PINAGHARIAN ng Xavier School Chess Team A ang katatapos na 2019 Interscholastic Sports Association (ISSA) Grade School Division chess tournament na ginanap sa Brent International School Manila sa Biñan, Laguna nitong Sabado.

(MULA sa kaliwa) ang Xavier School Team A na tinanghal na over-all champion ay sina Board 4 Gregory Pe 3/5 - bronze, Board 1 Ivan Travis Cu 5/5 - gold, Board 3 Jericho Winston Cu 4.5/5 - gold at Board 2 Ryan Taguba 4/5 - silver

(MULA sa kaliwa) ang Xavier School Team A na tinanghal na over-all champion ay sina Board 4 Gregory Pe 3/5 - bronze, Board 1 Ivan Travis Cu 5/5 - gold, Board 3 Jericho Winston Cu 4.5/5 - gold at Board 2 Ryan Taguba 4/5 - silver

Ang mga lumahok sa Xavier School Chess Team A ay kinabibilangan nina Board 1 Ivan Travis Cu (5/5-gold), Board 2 Ryan Taguba (4/5 - silver), Board 3 Jericho Winston Cu (4.5/5 - gold) at Board 4 Gregory Pe (3/5 - bronze), na naka kolekta ng kabuuang 16.5 points tungo sa titulo.

Ang Xavier School Chess Team B (14.0 points) ay tumapos naman ng second na binubuo nina Board 1 Karl Zachary Fajardo (4/5-silver), Board 2 Martyn Matthew Judd (2/5), Board 3 Alexander Miguel Lim (3/5) at Board 4 Andres Zafra (5/5-gold).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang Xavier School Chess Team A at B ay nasa pangangasiwa ni coach Rolando “Rolly” Yutuc.

Nasa third naman ang International School of Manila Team C (13.5 points) na sinundan ng International School of Manila Team A (10.0 points).

Ang iba pang participating team ay ang British School Manila (8.0 points); International School of Manila Team B (8.0 points); Xavier School Team C (8.0 points); Brent International School Team Z (6.0 points) at Brent International School Team X (6.0 points