IMPRESIBO ang pagbabalik aksiyon ni dating University of Santo Tomas shuttler Airish Macalino nang pagbidahan angh University of the Philippines kontra National University, 5-0, nitong Sabado sa UAAP badminton tournament sa PNP Sports Center sa Quezon City.

NABIGO si National team mainstay Joy Barredo na gabayan ang NU laban sa UP.

NABIGO si National team mainstay Joy Barredo na gabayan ang NU laban sa UP.

Umusad ang Lady Maroons sa 2-0.

Sa kanyang unang laro bilang Lady Maroon, ginapi ni Macalino si rookie Kate Amigable, 19-21, 21-16, 21-10, sa third singles match.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Ni-raise ko lang yung confidence ko na ‘tuloy yung laban’ at huwag makapante para manalo. Kasi yun yung nangyari sa first set ko kaya ‘ko natalo,” aniya.

Nakuha ng Lady Maroons ang 2-1 bentahe nang magwagi sina rookie Aldreen Concepcion at sophomores Jaja Andres at Tricia Opon sa first singles at first doubles matches, laban kay UAAP Season 81 Rookie of the Year Sarah Barredo.

Nadomina ng defending champion Ateneo ang Adamson, 5-0.

Ginapi ni rookie Mika De Guzman si Clydel Pada, 21-12, 21-8, sa first singles match, bago naungusan ni Bea Felizardo si Cueva, 21-7, 21-1.