GINANAP ang second ABS-CBN Ball sa Shangri-La Fort na napanood ng fans sa buong mundo sa pamamagitan nh livestreaming ng ABS-CBN Metro Channel at Metrodotstyle.

Gina Lopez

Walang humpay ang iba’t ibang komento ng mga nakapanood sa Twitter kaya nag-top ang event sa trending list.

Mahigit 300 Kapamilya celebrities ang dumalo sa ABS-CBN Ball 2019 na nagsilbing paggunita at pagpupugay sa legacy ni Gina Lopez, ang heiress ni Kapitan Geny Lopez na nasa likod ng mga kawanggawa ng Dos.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya ang naging highlight ng ball ay ang paglikom ng pondo para sa Bantay Edukasyon ng Bantay Bata 163 na nagkakaloob ng scholarship sa karapatdapat na mga mag-aaral.

Rumampa ang mga artista sa red carpet suot ang Modern Filipiniana bilang pagbibigay-parangal sa yumaong philanthropist na naging host ng G Diaries at Leading Lady of Ecotourism na si Gina Lopez kasabay ng pagdiriwang sa ika-65 taong paglilingkod ng Kapamilya network sa mga Pilipino.

Nagsilbing host ng programa si Billy Crawford at pinangunahan ni Gary Valenciano ang tribute kay Gina Lopez sa pagkanta ng I Believe I Can Fly. Sinundan ito ng toast sa pamumuno ni ABS-CBN Chairman Mark Lopez at ni President Carlo Katigbak.

Bilang pagdiriwang sa ika-65 taong paglilingkod ng ABS-CBN sa mga Pilipino saan man sa mundo, umawit ng medley ng timeless theme songs ng ilang di-malilimutang Kapamilya sina Pilita Corales, Dulce, Vina Morales, Moira dela Torre, Lala Vinzon at Elha Nympha. Kasama naman ang Idol Philippines participants na sina Lance Busa, Lucas Garcia, at Zephanie Dimaranan kina Jed Madela, Erik Santos, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Arnel Pineda, Martin Nievera, at Gary Valenciano sa naturang production number.

Nagtapos ng gabi sa pagkilala sa real life couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati bilang NU Essence’s Couple of the Night, Chie Filomeno bilang Ever Bilena Red Carpet Stunner at kay Bea Alonzo bilang Metro’s Best Dressed. Kinilala rin ang most freshest and most gorgeous young ladies na si Darna Jane de Leon bilang Belo Beauty on the Rise award, si Maymay Entrata bilang Belo Belle of the Ball.

-DINDO M. BALARES