ISANG 19-anyos na university student ang magtatangka na maiuwi ang back-to-back title para sa bansa bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Tourism Worldwide 2019 pageant na idaraos sa Indonesia sa Setyembre 22.

MISS TOURISM

Nitong Lunes, lumipad na patungo sa patimpalak si Camille Joy Ang na makakatunggali ang nasa 30 candidates mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“I’m excited for this competition because it’s my first international pageant,” pagbabahagi ni Camille sa kanyang press send-off sa Araneta Center, Quezon City itong Linggo.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

May tindig na 5’8, personal na pinili si Camille ni Mitzie Go Gil, national director ni Queen of Hearts Philippines pageant.

“This year, our representative to Miss Tourism Worldwide is handpicked. But next year, we will launch a national search,”pahayag ni Mitzie.

Una rito, sumabak ang beaty queen sa Mutya Pilipinas 2019.

Aniya, hindi pa niya name-meet ang kasalukuyang reigning Miss Tourism Worldwide Zarah Carbonell na from the Philippines din. “I will finally meet her in Indonesia.”

Si Camille ay estudyante ng Lyceum University, Manila kung saan siya kumukuha ng kursong cruise line and hotel management.

-Robert R. Requintina