MAY sopresa ang Pinoy skaters sa pagratsada ng 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) president Monty Mendigoria, bukod kay 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal, may pakakawalan ang Nationals para matulungan ang Team Philippines sa target na overall champion sa biennial meet sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“I don’t want to give any details for now kasi baka masilip tayo ng mga kalaban. But definitely, kumpleto na ang line-up natin. We have 11 athletes in the National team including Margie, of course. Kapag okay na ‘yung line-up ng ibang countries, we will be disclosing the line-up for our team,” pahayag ni Mendigoria sa panayam ng Balita.

Walong gintong medalya ang nakataya para sa skateboarding sa SEA Games, na nakatakdang gawin sa Tagaytay City, katabi ng BMX venue.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Malaki ang tsansa natin, lalo na we are consider as a powerhouse in Southeast Asia. But of course we have to work really hard lalo na sa ensayo,” pahayag ni Mendigoria.

Bagama’t aminado ang skateboarding chief na nag-aalala siya ng bahagya para sa street park venue, na siyang event ni Didal, walang dapat ipagamba ang sambayanan.

-Annie Abad