MATAAS na antas ng volleyball ang matutunghayan ng mga Negrenses fans sa pagdayo ng Premier Volleyball League Open Conference sa Oktubre 13 sa USLS Coliseum sa Bacolod City.

Mapapanood ang hatawan sa pagitan ng defending champion Creamline at PetroGazz sa rematch ng Reinforced Conference championship sa tampok na laro ganap na 4:00 ng hapon. Sa unang duwelo, maghaharap ang Pacifictown-Army at BanKo-Perlas sa 2:00 ng hapon.

Nakauna ang Cool Smashers sa head-to-head duel laban sa Angels ngayong conference sa impresibong 25-19, 28-26, 25-20, panalo nitong Aug. 24, habang nadomina ng Lady Troopers ang Perlas Spikers, 25-23, 25-23, 17-25, 25-20 nitong Aug. 14.

Mahalaga ang resulta ng laban para sa kampanya ng bawat isa na makausad sa semifinals ng season-ending tournament.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa pagtataguyod ng GRID Athletic Sports, ang PVL Bacolod City games ay bahagi ng mga programa para sa pagdiriwang ng pamosong MassKara Festival.

Bukod sa laor, magsasagawa rin ang PVL at GRID Athletic Sports ng coaching seminars, grassroots volleyball workshop at motivational guest speaking mula sa mga PVL superstars