PAGKATAPOS mabalita na dinuraan daw ni Kylie Verzosa si Maxine Medina na kasama niya sa afternoon soap ng ABS-CBN na Los Bastardos, ang balitang nag-unfollowhan ang dalawang beauty queens sa Instagram (IG).

kylie at maxine

Si Maxine ang unang nag-unfollow kay Kylie at sumunod si Kylie na in-unfollow si Maxine at sa ginawa nilang ito, ibig sabihin, hindi na sila friends. Paano kaya ‘pag nagkikita sila sa taping?

Pati supporters nina Maxine at Kylie, nagsasagutan din. Sabi ng supporter ni Maxine, ‘wag siyang papayag na ‘di makaganti kay Kylie, duraan din daw niya si Kylie nang inipon niyang plema.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sabi naman ng supporter ni Kylie, ‘wag siyang papayag na binu-bully siya na para bang pinalalabas na binu-bully siya ni Maxine.

Samantala, nag-post si Maxine sa kanyang IG Story ng photo nila ng pinsang si Dianne Medina at kapatid na si Kat Medina at may caption na “Glad to have my family with me all the time I needed them.”

-Nitz Miralles