MAGANDA ang sagot ni Kris Aquino sa nagsi-ship sa kanila ni Willie Revillame, hindi siya nagpaasa, hindi nagpakilig at diniretso ang mga nagtutulak sa kanila na friends lang sila ni Willie. Malaki ang pasasalamat ni Kris kay Willie dahil mabait sa mga anak niyang sina Josh at Bimby, lalo na kay Josh.

Josh, Willie, Kris at Bimby

Inimbitahan kasi ni Willie sina Kris, Josh at Bimby sa isang dinner sa Wil Tower at nakakatuwa dahil first time na makitang kumakanta si Josh at songs ni Willie ang kinanta. Sabi ni Kris, favorite ni Josh ang lahat ng songs ni Willie at memoryado.

Anyway, sa nag-wish na sana sila na lang ni Willie, ang sagot ni Kris, “deal tayo, kasi sure akong malabo, para ‘di kayo ma-disappoint, i’ll give you a proper tour of my walk in my birthday okay?”

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Sa mga kinikilig sa kanila, ang sagot ni Kris, “i’m 48, he’s 58- di ba not bagay

anymore?” at “let’s prat for Willie’s kind heart to be super cared for & happy.”

Sa nagtanong kung bakit hindi na lang sila ni Willie? “Maybe because we’ve lived so much of life na kaya set in our ways na kami” at “i pray for Willie’s happiness” at sinundan pa ng “let’s pray willie ends up w/ someone who will make him feel cared for & happy” at “pray natin someone younger & healthier for willie?”

Sa mga makukulit at nag-comment na they look good sa photo na magkakasama sila at para silang one happy family, ang sagot ni Kris, “cute sa pics & videos but real life is different- masyado na kaming “jaded”- i pray for Willie’s life long happiness because he makes kuya super happy.”

Tama naman si Kris, kung masaya sila ni Willie bilang magkaibigan, ‘wag nang lagyan pa ng romantic angle at baka doon masira ang friendship nila. Kapang nangyari ‘yun, malulungkot si Josh.

-Nitz Miralles