HINDI kataka-takang ma-fall si Vice Ganda kay Benigno ‘Ion’ Perez dahil napakatotoong tao, simple walang yabang sa katawan, gentleman, maalalahanin at mabait sa magulang. A perfect gentleman sa lahat ng bagay.

ion perez

Kaya Benigno ang pangalan ni Ion ay dahil isinunod sa pangalan ng namayapang Benigno ‘Ninoy’ Aquino dahil pareho sila ng kaarawan, Nobyembre 27.

Nang una namin siyang makausap sa storycon ng Mang Kepweng 2, noong Agosto 20 ay madalian kaya tungkol sa relasyon nila ni Vice ang topic dahil at sa paglalaro niya ng basketball sa nakaraang ABS-CBN All Star Games 2019.

Tsika at Intriga

Niligwak daw sa TNT: ABS-CBN, It's Showtime pinaratangang credit crabber dahil kay Sofronio

Sa set visit para sa first shooting day ng Mang Kepweng 2 na ginanap sa isang exclusive subdivision sa Quezon City ay ayaw na sana mag-pa-interview ni Ion dahil natatakot siya kung ano ang mga itatanong sa kanya.

Gusto na kasi muna niyang umiwas sa usaping Vice Ganda dahil may mga basher na pinagbibintangang ginagamit niya ang sikat na TV host/actor.

Pero dahil sa pakiusap ng production staff ng MK2 ay napapayag ang mahiyaing aktor.

Kumusta ang unang shooting day ni IOn, “Okay naman po, masaya, ito po para ang feeling ng gigising ka ng maaga para pumunta sa trabaho.” Bungad ng binata.

Alas diyes daw kasi ng umaga ang call time niya sa It’s Showtime kaya medyo tanghali na kumpara sa Mang Kepweng 2 na maaga.

“Call time po kasi namin 7AM, so dumating po ako sa location 6AM (actually 5:30AM dumating) nandoon na po ako sa harap ng gate.

“First movie po ito at sobrang kinakabahan ako, pero nu’ng nakasama ko na sa eksena sina Kuya Vhong (Navarro), medyo okay na, pinu-push naman niya po ako,” kuwento pa ni Ion.

Walang workshop na dinaanan si Ion, “experience ko lang po sa Bida Man, ‘yun lang po ang pinaka-workshop ko.”

Ang mga tips na ibinigay naman sa kanya ni Vhong, “i-enjoy ko lang po na huwag akong kabahan, so okay naman po.”

Pero nagulat ang bloggers at online writers sa hirit ni Ion, “sa totoo lang po, mas kinakabahan nga ako ngayon kaysa sa (pag-arte). Mas kinakabahan ako sa inyo.”

Nagkatawanan ang lahat at sabay sabi sa binata na ‘chill ka lang.’

Ang karakter ng baguhang aktor sa Mang Kepweng 2 ay mali-mali at isa sa sidekick ni Vhong.

Aniya, “may pagka-similarity naman po kasi sa Showtime medyo mali-mali rin naman ako ro’n, na-apply ko naman po dito (pelikula).”

Sa totoong buhay ay komedyante pala si Ion, “tahimik lang po pero pag nagsalita na ako, nakakatawa na.”

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin makapaniwala si Ion sa narating niya dahil hindi naman niya pinangarap palang mag-artista.

“Biglaan lang po talaga kasi dati nasa pageant lang naman ako tapos naging Kuya Escort na. Si Kuya Jojo Bragais (shoe designer) po tinawagan ako ng madaling araw at pinapupunta ako ng ABS-CBN kinabukasan para mag-escort po sa Ms Q & A. Ang alam ko po, mag-audition lang tapos pinasok na nila ako sa kuwarto para bihisan. Sabi ko bakit n’yo ako binibihisan na sabi nila ako na ‘yung mag-excort. Sobrang kinakabahan po talaga ako,” balik-alaala ng binata.

At siyempre tinanong si Ion kung ano ang reaksyon ni Vice nang makita siya, ‘ha, ha, ha ‘yan na naman ang tanong nay an, segue-segue na ‘yan, eh.” Tumatawang sagot ng binata.

In fairness ayaw niya talagang sagutin na anumang tanong tungkol sa Unkabogable Phenomenal Star.

“Nilakasan ko na lang po loob ko ngayon kasi nandito na ako (showbiz),” sambit ng binata.

Hindi naman naiwasang hindi tanungin ang tungkol sa paglalaro niya ng basketball sa nakaraang ABS-CBN All Star Games 2019 dahil marami silang napasayang fans ni Vice na magkahawak kamay pa.

“Hilig ko po talagang maglaro ng basketball kasi sa probinsya po namin naglalaro ako at naging varsity player po ako sa school namin,”saad pa.

Tungkol sa paghahawak kamay nila ni Vice sa loob ng court, “no comment na po ako. Siguro naman gets na ng tao ‘yun. Sorry po talaga pero ayaw ko na po sagutin ‘yan,” pakiusap ni Ion.

Kung hindi napasok sa showbiz si Ion ay ano sana ang trabaho niya, “siguro po nasa probinsya, tumutulong sa nanay kong magtinda ng kakanin. O kaya po pupunta sa ibang bansa para mag-trabaho kasi may pinsan po akong nagta-trabaho sa isang hotel, so baka puwede ako ro’n,” kuwento ng binata.

High school graduate si Ion, “nag-college po ako pero wala ako sa focus ng pag-aaral kaya nag-stop ako dahil sa barkada pero kung may pagkakataon po, gusto kong bumalik maski-two years (course) lang.”

Simple pa rin ang pananaw sa buhay ng binatang taga-Concepcion, Tarlac dahil kapag lumalabas siya sa ABS-CBN ay ordinaryong tao lang pakiramdam niya at wala siyang nararamdaman ng kakaiba. Kapag nagmo-malling ay naka-face mask siya para makalakad ng dire-diretso.

“Sobrang mahiyain po kasi ako talaga. Nae-enjoy ko naman ang showbiz, pero hindi naman ako sigurado kung hanggang kailan. Sabi ko nga po sa inyo sa unang panayam ko, muntik na akong sumuko kasi ganu’n pala kabigat ‘yung nababa-bang-bang ka ng mga tao o naba-bash. Nu’ng lumabas ‘yung mga sali-salita.

“Masakit po kasi. Hindi ko naman binabasa lahat, pero may mga nabasa ako na sobrang masakit, tungkol sa nanay ko! Pero kung ako ang i-bash, okay lang naman. Kaya kong tanggapin, pero sa nanay ko, hindi na puwede ‘yun!” paliwanag ng binata.

Kinse lahat magkakapatid sina Ion at pang 12 siya at nag-iisang walang asawa kaya kapag may oras ay umuuwi siya sa bahay ng ina para madalaw.

“May kanya-kanya na po kaming bahay, ibinigay ng ate ko na sinuwerte sa buhay. Bata palang kami pinatayuan na kami ng tig-iisang townhouse kaming lahat magkakapatid,” pahayag pa ni Ion.

Kaya hindi breadwinner si Ion, “hindi naman po but since kumikita na ako nagbibigay ako sa amin, kasi siyempre ang pagtulong ng ate ko nagsasawa rin ‘yan simula’t simula siya na lang ba.

“Kaya ako po, bilang kumikita, ako naman po ang nagbibigay kay nanay. Kasama po niya sa bahay ‘yung kapatid kong pangalawa sa bunsong babae.

“66 years old na po mama ko, so kailangan na rin niyang mag-stay na lang sa bahay, kasi nasanay na may ginagawa kaya sabi ko, ipagluto na lang niya ng kakanin mga apo niya at babayaran ko na lang lagi.

“Taunan po kasi manganak ang nanay ko noon, alam n’yo naman po sa probinsya kapag patay ng lampara alam n’yo na,” nakangiting sabi ni Ion.

At ang payo ni Ion sa mga basher, “siguro magtrabaho sila ng maigi para may maitulong sila sa pamilya nila. Sa mga taong binibigyan nyo ng pansin (i-bash), bigyan nyo ng pansin mga sarili n’yo para makatulong kayo.”

-REGGEE BONOAN