NAKABAWI mula sa unang araw na kabiguan sa kamay ng University of the Philippines ang Far Eastern University matapos pasadsarin ang University of the East, 81-65 kahapon sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa Araneta Coliseum.
Nagposte ng panibagong career high na 24 puntos si Wendell Comboy upang pamunuan ang nasabing panalo ng Tamaraws.
Nakatuwang niya si dating Juniors standout LJ Gonzales na nagtala naman ng kanyang sariling career-high na 14 puntos bukod pa sa walong assists, walong rebounds at tatlong steals upang ibangon ang Tamaraws sa natamong kabiguan sa simula ng season kontra University of the Philippines.
“Well, it’s always nice to get your first win of the season especially coming off that opening day loss,” wika ni FEU coach Olsen Racela.
Ayon kay Racela, tradisyon na sa kampo ng FEU ang pagkakaroon ng malakas na backcourt.
“Tradition naman na guard-heavy ang FEU. We always rely on our guards and this season is no different.”
Sa panig ng Red Warriors, bumagsak sa ikalawang sunod nilang pagkatalo, nanguna si Senegalese big man Alex Diakhite na may 21-puntos, 15-rebounds at apat na blocks kasunod si Rey Suerte na may 17 puntos at 10 rebounds.
-Marivic Awitan
Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
10:30 n.u. -- Ateneo vs UST (M)
12:30 n.t. -- La Salle vs NU (M)
4:00 n.h. -- Adamson vs UE (M)