Hindi lamang ang mga opisyales ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC), ang siyang abala para sa paghahanda sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games na gaganpin mismo sa bansa ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Bukod sa mga nabanggit na grupo, pati ang mga dumayong Techincal delegates ay may ambag na serbisyo din para sa paghahanda ng nasabing biennial meet.
Ang papel na ginagampanan ngayon ng mga 56 technical delegates na may basbas ng SEA Games Federation ay ang suriin na mabuti ang bawat playing venues na gagamitin para sa 11- nation meet sa Nobyembre.
Ngunit hindi pa man nasisimulan ang inspecksyon ay nagbigay na ng paunang pauri ang ilang technical delegates sa New Clark City Pampanga partikular na sa athletics center at aquatic center na siyang mga center piece event para sa nasabing kompetisyon.
“This took only one year and [six] months to complete from the time we started construction, and for me, this is Guinness Book of World Records [quality],” pahayag ni Ibrahim Fadil Naddeh, na siyang kinatawan para sa swimming at siya ring secretary ng Swimming Technical Committee of Asian Amateur Swimming Federation (AASF).
Si Valson Cuddikotta naman na siyang kinatawan ngf athletics, ay nagsabi na ang Athletics Stadium ay nakasunod sa world class standard.
“Advanced and has come out very well. I only see mountains there when I came two years ago. But now, I see a world class athletics venue,” ani Cuddikota.
“If you have an opportunity, please visit the venue. It has come out so well… And I must say they can conduct any event of the highest magnitude in this New Clark City stadium they have constructed,” dagdag pa niya.
Kabuuang 58 playing venues ang nakatakdang suriin ng mga nasabing opisyales partikular ang mga lugar ng New Clark City in Pampanga na mag ho-host ng 17 sports, ang Subic Zambales na 17 sports din, at ang Metro Manila na may 24 sports na nakatoka.
May mga kompetisyondin na magaganap sa Southern Luzon partikular na sa mga bayan ng Laguna, Batangas at Cavite at sa Northern Luzon sa La Union na hindi rin makakaligtas sa pagsusuri.
Gayunman, kumpiyansa naman ang pamunuan ng PSC, POC at PHISGOC na papasa sa mga nasabing opisyales ang mga playing venues hindi lamang ang New Clark City Pampanga kundi pati na rin ang iba pang playing venues.
-Annie Abad