LALAGPAS sa 550 entries ang inaasahang bibitiwan sa paglarga ng 2019 World Pitmasters Cup (WPC) 9-Stag International Derby na magsisimula sa Setyembre 19 sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.
Ang markadong bilang ng mga kalahok sa 11th edition ng pinakamalaking international derby sa bansa ay pagpapatunay sa kalidad ng mga gamefowl breed na inaalagaan at inilalaban ng mga world-class breeder.
Inilunsad nitong Biyernes ang pinakahihintay na World Pitmasters Cup sa bagong bukas na Grand Bar sa Grand Wing ng Resorts World Manila sa Pasay City, sa pangunguna nina Ako Bisaya Party-List Rep. Sonny Lagon, promoters Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, RJ Mea at Agusan del Sur Rep. Eddiebong Plaza.
Sa kauna-unahang pagkakataon mula ng simulan ang torneo noong 2017, ang WPC 9-Stag International Derby ay magdaraos ng limang sunod na 2-Stag elimination rounds mula September 19-23 (Sets A-E).
Matapos ang rest day sa September 24, ang One-Day 220 k Pot Money 7-Stag Big Event ay susulong naman sa September 25.
Ang mga qualifiers ay muling magtatagisan ng galing sa 3-Stag semifinal rounds sa September 26 para sa Set A, September 27 para sa Set B, September 28 para Set C, September 29 para Set D and September 30 para Set E.
Magkakaroon muli ng ceasefire sa October 1 bago ang 4-Stag Pre-Final round sa October 2 para sa mga kalahok na may 3, 3.5 at 4 puntos.
Ang mga grand finalists, na may aggregate scores na 4.5 at 5 points ay maghaharap sa championship round sa October 4.
Ang pot money para sa September WPC ay 88,000 habang ang minimum bet ay 55,000. Tinatayang may kabuuang prize money na P44 milyon sa magka-kampeon sa September 2019 World Pitmasters Cup.
Ang international derby weight limits ay nakatakda mula 1.7 hanggang 2.2 kg.
Tanging mga stags na banded ng mga local associations na nakaanib sa FIGBA at PFGB-Digmaan ang tatanggapin. Ang mga Hennies at Early-Bird (e.g. BNTV,A-CUP, FIGBA EARLY BIRD,etc) banded stags ay hindi papayagan.
Ipinahayag din ng organizers na gaganapin sa July-August 2020 ang first World Pitmasters Cup 9-Stag Early Bird Edition kung saan tampok ang mga banded ng A-CUP, BNTV, LBC, LYR, B-CUP, FIGBA EARLY BIRD, PFGB DIGMAAN EARLY BIRD.
Ang September 2019 World Pitmasters Cup 9-Stag International Derby ay itinataguyod din ng Resorts World Manila sa pakikipagtulungan ng Thunderbird, THOR MP Wash, Excellence Poultry and Livestock Specialist, VNJ Distributors at Experto Gamefowl Products at may sanctioned ng Games and Amusement Board (GAB).
Sa iba pang mga katanungan at cockhouse reservations, maaaring bisitahin ang World Pitmasters Cup Int’l Derby Facebook page or tumawag sa cellphone number 0927-8419979.