PINOST ni Min Bernardo, mom ni Kathryn Bernardo ang padalang flowers sa kanila ni Daniel Padilla. Tulips kay Kathryn at red roses para sa kanya.

kathniel

“Ang aga naman dumating ni Primo, tulips talaga and sa akin pa red roses. THOU lang talaga ang peg, DJ? Thank you so much my son...huwag lang ako si tita Lola ha? hehe! Kidding aside, thank you for being thoughtful as always. Huwag ka lang magbabago and we’re here as your second family. Bakasyunan naaaa.”

Kinilig ang fans na magkasama sina Daniel at Kathryn magbakasyon sa Japan at siguro naman, hindi na pagdududahan ng iba ang love ng dalawa sa isa’t isa. Kasi, natambal lang si Kathryn kay Alden Richards, may mga nagselos na at umaway sa aktres.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Anyway, after ng Japan vacation, umaasa ang KathNiel fans na sa kanilang pagbabalik, i-a-announce ng Star Cinema ang susunod nilang movie. Nami-miss na ng kanilang fans na mapanood ang dalawa.

-Nitz Miralles