SA 2021, asahan na may bagong Woman chess Grandmaster ang Pilipinas.

Sa ganitong haba ng panahon ang ibinigay na takda ni Antonella Berthe Racasa para makamit ang minimithing GM title. Kung magtatagumpay, siya ang magiging pinakabatang Pinay at player sa buong mundo na magiging Woman Grandmaster.

INILAHAD ni Robert Racasa, ama ni FIDE Master Antonelle (ikalawa mula sa kanan) ang plano at programa para sa 12-anyos chess pheno, na magtatangkang makamit ang WGM status sa 2021.

INILAHAD ni Robert Racasa, ama ni FIDE Master Antonelle (ikalawa mula sa kanan) ang plano at programa para sa 12-anyos chess pheno, na magtatangkang makamit ang WGM status sa 2021.

“In two years po target ko na makuha ang Grandmaster title,” pahayag ng 12-anyos na si Racasa, galing sa matikas na 14th place finish sa katatapos na World Cadet chess championship sa Shandong, China,

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kasalukuyan, si WGM Hou Yifan ng China ang may tangan ng record bilang pinakabatang GM sa edad na 14-anyos.

“Ang target ko po ay malagpasan ‘yun world record ni WGM Hou Yifan ng China. Yan po talaga ang pangarap ko,” pahayag ni Racasa sa ika 38th edition ng ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

“Magagaling po ang mga kalaban ko sa World Cadets, pero sa Russian po ako hirap. Ang tapang ngmukha nila,” pabirong paahayag ni Racasa sa lingguhang sports forum na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

“Pero ginawa ko po talaga ang aking makakaya para makapag-bigay ng karangalan sa ating bansa,” aniya.

Kasabay nito, nanawagan ng tulong si Robert Racasa at NM Efren Bagamasbad sa pamahalaan at pribadong sektor upang maitaguyod ang kampanya ng batang Racasa na makasikwat ng FIDE poinst na kailangan para sa kanyang asam na GM title.sektor upang tulungan itaguyod ang kampanya ng kanyang anak.

“Masigasig talaga si Antonella, peri binabalanse namin ang panahon niya para naman makapaglaro siya na ginagawa ng isang normal na bata. Pero artistic ito anak ko pag nasa bahay, walang gagawin yung kundi mag-painting, magbake at magbasa.

“Hopefully, matuloy yung plano ni Rep. Butch Pichay na mabigyan ng tamang pagsasanay at Russian coach si Antonella,” sambit ni Robert.