IDOLO pala ni Beauty Gonzales si Kris Aquino bilang Horror Queen ng Pilipinas dahil ayon sa bida sa iWant Original movie Abandoned ay pangarap naman niyang tawaging Scream Queen.

BEAUTY

Kuwento ni Beauty, pagkatapos ng screening ng Abandoned sa Santolan Town Plaza, “I’m doing another film that’s coming this Halloween, another horror film.

So parang nagiging horror na ako. Naku watch out kayo sa scream ko tsina-challenge ko ‘yung sigaw ni Kris Aquino. Iniidolo ko si Miss Kris, so baka ako naman ang the second scream queen,” nakangiting sabi ng aktres.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Ang saya ngayon ni Beauty dahil isa ang Abandoned sa most viewed original film sa iWant.

Kasama ng aktres si Seth Fedelin sa Abandoned kung saan una silang nagkita bago pa ang Kadenang Ginto.

“Unexpectedly, ang galing ni Seth. Actually dito kami unang nagkita sa Abandoned e, hindi sa Kadenang Ginto, and then ayon, ang galing niya. As in naturally it comes out naman,” say ni Beauty.