IKINALUGOD ng mga bumisitang Technical Delegates buhat sa iba't ibang sports para sa nalalapit na 3Oth SEA Games ang ginanap na 2nd Technical Delegates Meeting kahapon sa Polkabal Ballroom sa Manila Hotel.

Pinangasiwaan ni PHISGOC COO Ramon "Tats" Suzara ang isinagawang programa bilang bahagi ng paniniguro sa kahandaan ng bansa sa hosting ng biennial meet sa Nobyembre.

"I always give importance to all our technical delegates. We often give importance to the coaches the athletes, but of course let us not forget the technical Delegates because they will be one of the reasons of the success of this coming 30th SEA Games," pahayag ni Suzara.

Aniya, mahalaga para sa kanya ang presensya ng mga nasabing opisyales sa tagumpay ng SEA Games.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

"I need a guidance from them to run the SEA Games. So it is just right to give them importance," ayon pa kay Suzara.

Mismong si Valson Cuddkotta , ang Technical Delegate ng athletics, ay malaki ang pasasalamat sa pagkilala ni Suzara para sa mga kagaya niyang opisyales at sa ginawang preparasyon ng bansa para sa nalalapit na biennial meet.

Isa sa ikinatuwa nang husto ng nasabing Technical Delegate ay ang Athletics center sa New Clark City Pampanga, kung saan aniya ay kaya na ng Pilipinas na mag host ng mga world class event sa mga darating na taon.

"Never before we have come for a press conference like this. Phisgoc has put a lot of efforts to come up with such beautiful venues. I believe that the Philippines can now conduct any event of highest magnitude," ayon kay Valson.

Samantala, dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang Technical Delegates ng Aquatics – Swimming na si Naddeh, Ibrahim Fadil, Aquatics – Water Polo na si Kuroda, Katsumi, Sepak Takraw na sina Abdul Kader atAbdul Halim Bin, si Agus Antares Mauro ng Basketball, Sebastian Lau ng eSports at Datu Low Beng Choo ng Softball.

-Annie Abad