FOR a change, matapos ang ilang taon na niyang pagganap bilang isang kontrabida, binigyan naman si Gladys Reyes ng role bilang isang mabait na aestheric doctor, si Dr. Elizabeth Ledesma at mother ni Juancho Trivino sa bagong GMA Afternoon Prime series na Madrasta. Biniro namin si Gladys sa set visit sa kanila sa Sitio Elena Events Place, Valley Golf, Cainta, Rizal, hindi ba magbabago ang role niya hanggang sa ending?

“Let’s see kung mababago. So far kasi, wala pa akong eksenang nagtaray,” natatawang sagot ni Gladys. “Hirap lamang ako dahil iyak ako nang iyak, kaya nami-miss ko iyong nagtataray ako. Sa story galit ako kay Thea (Tolentino) dahil niloloko niya ang anak ko na asawa niya. From rags to riches ang story ko rito, pero napalaki kong mabait at isa ring aesthetic doctor si Juancho.

“But I’m very thankful sa GMA Network dahil binigyan naman nila ko ng bagong role dito at hindi nila ako pinababayaan na mawalan ng trabaho. Kung minsan nga nagugulat ako, dahil after one series, meron na naman. Like noong gawin ko ang Inday Will Always Love You for GMA Public Affairs na nag-taping pa kami sa Cebu, with Barbie Forteza at Derrick Monasterio, iyong sumunod na project nila, ang TODA One I Love, with Kylie Padilla and Ruru Madrid, kasama rin ako at kontrabida to the max pa rin ang roles ko.

“Masaya ito dahil after “Inday...,” kasama ko rin ulit si Manilyn Reynes, na nanay naman ni Arra (San Agustin) at si Almira Muhlach na muling nagbabalik sa showbiz, as the nanay naman ni Thea. Lahat ng mga kasama ko rito, mahuhusay na lahat kaya sana huwag ninyo kaming kalimutang subaybayan, malapit na ninyo kaming mapanood.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Apat na ang anak ni Gladys at ng husband niyang chef-actor na si Christopher Roxas. Pag-aari nila ang Estela Restaurant in Sta. Lucia, Cainta, Rizal. Paano kung gusto ring mag-artista at sumunod sa yapak nilang mag-asawa ang mga anak nila?

“Mas gusto naming makatapos muna sila ng studies nila. Ang panganay, si Christoff, is 13, mas nahihilig siya sa music at more on hosting, Inglesero iyong anak naming iyon, very spontaneous siya at may confidence sa sarili, Aquisha is 11, Grant is 9 at ang youngest namin si Gavin is 2.”

-NORA CALDERON