HUMANDA, sa nagnanais makapanood ng walang humpay na aksiyon, naghihintay ang UFC 242 tampok ang duwelo ng dalawang pinakamatikas na fighters sa mundo – ang walang talong si Khabib Nurmagomedov at Dusting Poirier – sa Sabado (Setyembre 8 sa Manila) sa The Arena ng Yas Island, Abu Dhabi.

IBINIDA ni Khabib (kaliwa) ang title belt sa media conference kasama angkaribal na si Poirier sa UFC 242 na mapapanood nglive sa Fox+.

IBINIDA ni Khabib (kaliwa) ang title belt sa media conference kasama angkaribal na si Poirier sa UFC 242 na mapapanood nglive sa Fox+.

Manatili kayang imakulada ang marka ni Will Khabib? O may bagong kampeon sa UFC lightweight class?

Patok at aantabayanan ng mixed martial arts fans sa buong mundo ang duwelo nina Khabib “The Eagle” Nurmagomedov, ang reigning UFC lightweight champ, at sumisikat na si Dustin “The Diamond” Poirier.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Salanta ang lahat ng nakaharap ni Khabib sa 27 laban. Ang marka ang pinakamahabang winning streak sa kasaysayan ng MMA. Kabilang sa mga iginupo niya ang pamosong sina Darell Horcher, Edson Barboza, at Conor McGregor na pawang tinapos niya sa impresibong ‘submission’.

Hindi naman pahuhuli ang karta ni Poirier, nakalinyang No.8 sa UFC pound-for-pound rankings, tangan ang markang 25 panalo sa 30 laban. Nagsimula siya sa kanyang UFC career noong 2011 kung saan nakaharap niya si Josh Grispi sa UFC 125. Nagwagi siya via unanimous decision. Kabilang sa winalis niya sina Eddie Alvarez, Anthony Pettis, at Max Holloway.

Mapapanood ang aksiyon sa UFC 242 live sa FOX+!