ANONG nangyari sa pelikulang Block Z nina Julia Barretto at Joshua Garcia? Tanda rin namin ay ipinalabas na ang teaser nito at biglang nawala na?

JOSHLIA

Base sa bulong sa amin ng taga-ABS-CBN ay end of August ang showing nito pagkatapos pakitain ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, pero bakit biglang nawalan na ng balita?

Tanda namin ay nasulat namin dito sa Balita noon na baka sa taong 2020 na ito ipalabas dahil nga nagkahiwalay sina Joshua at Julia tapos dumagdag pa ang isyung hiwalay na sina Bea Alonzo at Gerard Anderson at ang itinuturong dahilan ay ang anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Anyway, habang nag-iisip pa ang pamununan ng Star Cinema kung kailan ipalalabas ang Block Z ay kasalukuyan namang pinag-uusapan ang pelikulang Eerie nina Ms Charo Santos-Concio at Bea na napapanood ngayon sa Netflix na idinirek ni Mikhail Red.

O ‘di ba, mas lalong nag-iingay ang pelikula ni Bea?

Sa fans ng JoshLia, wait na lang po tayo kung kailan ang showing ng Block Z, pinapahupa muna ang isyu.

-Reggee Bonoan