TILA nagsimula na nga ang Christmas sa muling pag-ere ng mga sikat na awiting pamasko ni Jose Mari Chan, kasabay ng pagsisimula ng “ber” months.

josemarichan

Ilang netizens pa ang nag-effort na gumawa ng mga memes tungkol sa singer-songwriter, na ang mga kanta ay inaasahan na muling papatok mula sa pagpasok ng panibagong buwan hanggang sa 2020.

Kahapon, inawit ni Jose Mari Chan ang Christmas In Our Hearts sa Sunday PinaSaya, kung saan siya pinarangalan ng Puso ng Saya Award.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matapos ang performance, hindi naiwasang matanong ang singer hinggil sa kanyang viral memes.

“Natutuwa ako,”aniya. “I feel I’m complimented and flattered.”

Binigyang-diin naman ng singer na ang kanyang mga holiday songs ay “gift from our Lord that I share with our countrymen” kaya naman ‘wag sanang gumawa ng “offensive” memes tungkol dito.

Ma y pa n i b a g o n ama n g Christmas album si Jose, ang Going Home To Christmas.

-Stephanie Marie Bernardino