BINANGONAN, Rizal – Sinamantala ng Binangonan ang bentahe ng ‘home court’ para maungusan ang Caloocan, 76-72, nitong Sabado sa Game One ng Community Basketball Association (CBA) 18-under basketball championship sa jampacked Binangonan Plaza basketball court.

Kumabig ang host team, sa pangunguna nina Reynald Yante, Christian Angeles at Kerby Villaluna, sa krusyal na sandali para mabigyan ng kasiyahan ang home crowd na walang tigil ang pagbubunyi mula simula hanggang sa final buzzer.

NAGBIGAY ng kani-kanilang pananaw hingil sa best-of-three title series ng CBA Under 18 championship ang mga opisyal ng Binangonan (kanan) at Caloocan sa TOPS ‘Usapang Sports’ sa National Press Club kamakailan. Inorganisa ang liga ni actor/director Carlo Maceda (ikatlo mula sa kanan)

NAGBIGAY ng kani-kanilang pananaw hingil sa best-of-three title series ng CBA Under 18 championship ang mga opisyal ng Binangonan (kanan) at Caloocan sa TOPS ‘Usapang Sports’ sa National Press Club kamakailan. Inorganisa ang liga ni actor/director Carlo Maceda (ikatlo mula sa kanan)

Target ng Binangonan na makopo ang titulo sa paglarga ng Game 2 ng best-of-three title series sa Imus, Cavite sa Sabado.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tumapos si Yante na may game-high 22 puntos, tampok ang pressure-packed free throws para makaabante ang Spartans sa 75-72 may 18 segundo ang nalalabi.

Nag-ambag si Angeles ng 14 puntos, habang kumana si Villaluna ng 12 markers, kabilang ang back-to-back baskets na nagbigay sa Spartans ng 71-67 bentahe.

Malaki rin ang naibahagi ng 6-foot-5 center na si Alex Teruel sa depensa at rebounds para mailapit ang Spartans sa kasaysayan bilang unang kampeon sa grassroots sports development program ng CBA sa pamumuno ng actor/director na si Carlo Maceda, sa pakikipagtulungan ng TOPS (Tabloids Organization in Philippine Sports).

Napigilan ni Teruel ang pagtatangka ni Jolo Sumagaysay na maitabla ang iskor ,ay dalawang Segundo ang nalalabi.

“They deserved this win. They worked hard for this and of course, we supported them because they represent our place. I’m proud of these boys,” pahayag ni Binangonan Mayor Cesar Ynares.

Nanguna si John Sheric Estrada sa Saints na may 21 puntos, 10 rebounds at pitong assists, kasunod si Sumagaysay na may 15 puntos at siyam na rebounds.

Iskor:

Binangonan (76) -- Yante 22, Angeles 14, Villaluna 12, Larayos 10, Pearson 8, Teruel 6, Villarin 3, Mechilina 1, Kiangan 0, De la Cruz 0, Junio 0,

Caloocan (72) -- Estrada 21, Sumagaysay 15, Cruz 14, Acosta 14, Rivera 2, Dagatan 2, Nieles 2, Penaga , Llaban 1.

Quarterscores: 16-18, 43-41, 61-63, 76-72.