Wrestling, ibinasura ng PHISGOC sa 30thSEA Games
SA ikatlong sunod na edisyon, hindi lalaruin ang wrestling sa Southeast Asian Games. Higit na masakit ang katotohanan na gagapin ang ika-30 edisyon ng biennial meet sa Manila sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Sa sulat ni Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC) Chief Operating Officer Ramon ‘Tats’ Suzara na may petsang Agosto 26, 2019 kay Wrestling Association of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar at copy furnished sina PHISGOG Chairma Rep. Peter Allan Cayetano, POC president Rep. Bambol Tolentino at PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, ipinabatid na inalis sa sports program ng Sea Games ang wrestling.
“Please be informed that considering that PHISGOC has not received any official authorization from the International and Asia Federation of Wrestling as required by the SEA Games Federation Charter, the PHISGOC cannot proceed in organizing Wrestling in the upcoming SEA Games,” ayon sa liham ni Suzara.
Hindi malinaw kung naiparating ng PHISGOC ang desisyon sa SEAG Federation.
“Therefore, much to our regret your sport will not Be included in the official program of the 40th Sea Games to be held in the Philippines,” bahagi pa ng liham.
Wala pang sagot si Aguilar sa naging desisyon ng PHISGOC, ngunit inaasahang magdudulot ito ng kalungkutan sa atletang Pinoy at tiyak na makakaapekto sa kampanya ng bansa para sa overall title. Higit, sa kampanya ng sports na makabalik sa Olympics sa 2020 Tokyo Games.
Kabuuang 15 events ang nakataya sa wrestling mula sa limang weight category ngmen’s Greco Roman, freestyle at women’s freestyle.
Sa naunang panayam kay Aguilar, iginiit nito na kayang manalo ng Pinoy ng lima at posibleng maging 10 sakaling maidagdag ang event ng submission grappling.
Naibasura ang wrestling sa 2015 SEAG sa Singapore, gayundin sa 2017 Kuala Lumpur edisyon. Sa 2013 edisyon sa Myanmar, nakakuha ang bansa ng dalawang silver at apat na bronze medal sa wrestling, sa pangunguna nina Jason Balabad (84 kilograms) at Margarito Angana (55 kilograms) sa Greco-Roman , habang bronze medalistssina Balabad (84), Joseph Angana (66), Jhonny Morte (60) at Alvin Lobrequito (55) sa freestyle.
Sa 2016 Rio Olympics, naalis sa calendar of sports ang wrestling ngunit inaasahang makababalik sa Tokyo Games.
-ANNIE ABAD