“HINDI pa kami (Elisse Joson),” nakangiting sagot sa amin ni Jameson Blake nang masolo namin siyang kausapin pagkatapos ng blogger’s conference ng pelikulang G!, isa sa finalist sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019 handog ng Cineko Productions distributed by Cinescreen ng Star Cinema.
Sundot namin, ‘but getting there?’
“Parang ganu’n. Let’s say we’re just taking step by step but we’re not together,” kaswal na paliwanag ng binata.
Hindi naman din niya itinanggi na lumalabas silang dalawa ni Elisse at kung minsan ay kasama ang mga kaibigan.
“Yes, just the two of us once in a while minsan kasi busy siya, busy din ako and with friends din,” sambit ng aktor.
Pero bago pormal na niligawan ni Jameson si Elisse ay kinausap niya muna ang ex-boyfriend nito at kapwa Hashtag member na si McCoy de Leon.
“Nasa labas kami no’n tapos kasama ko ‘yung ibang Hashtags, it’s a way before, last year pa tapos I just brought up the topic with him. Sabi ko if like na kung okay sa kanya (McCoy) if ever na naging kami ni Elisse like that. I asked him tapos nag-explain siya ganu’n. Tapos it’s a way before na me and Elisse were talking for a long time or beginning of this year,” kuwento ng binata.
Nauna raw ang pag-uusap nina Jameson at McCoy bago sinimulan ang shooting ng G!.
Sinunod ba ni Jameson ang payo ni McCoy na ligawan muna niya ang mommy ni Elisse?
“I’m not saying that I got a tip from him (McCoy) pero automatic kasi ‘yun so I know how to do like my process with Elisse. I have my ways naman.”
Matatawag na déjà vu ang senaryong kinausap ni Jameson si McCoy dahil, “I have a similar situation before pero ito kasi sina Elisse and McCoy, they had a past, ito namang sinasabi ko, they were not together sa friend.”
Dagdag pa, “wala, hindi mo naman ma-expect kasi ang mga ganu’n (magkagusto sa girlfriend ng kaibigan). Siyempre you won’t like someone na kahit alam mo na ‘yung past boyfriend niya is your friend you know, hindi mo ma-expect mga ganu’n, it just happens, so siguro ganu’n ‘yung nangyari sa akin.”
Inamin na rin ni Jameson na nakilala na niya ang pamilya ng dalaga, “yes, nakipag-bonding na ako sa kanila. I felt welcome naman saka when they’re all together, they were all girls, tita niya, mga relatives niya so minsan ako lang ‘yung lalaki. So it feels good naman. It’s good to know her family.”
Tatlong beses nang nakipag-bonding sa pamilya ni Elisse si Jameson, “Minsan nag-i-invite silang mag-outing and I appreciate rin naman.”
Anong nakita ni Jameson kay Elisse?
“Iba, it’s like you know it’s common say that people pasa-pasa, people say relationship agad-agad, ako kasi I never dated anyone sa showbiz, eh.
“And when I met Elisse sa isang contest and nakasama ko sa ‘Ngayon at Kailanman’ (2018), we had talk, nice talks and then I felt na there was a connection. It’s cliché but she’s a different person, iba siya just like knowing herself, iba ang personality niya not only beautiful but really beautiful inside and out,” paliwanag ng binata.
At dahil sa pelikulang G! ay mas lalong nagkalapit sina Jameson at McCoy kaya walang ilangan sa dalawa at kahit na kasama pa nila si Elisse.
E, baka naman ang dalaga ang maiilang kapag nagsama-sama silang tatlo?
Anyway, bago ang showing ng G!, na idinirek ni Dondon Santos, sa Setyembre 13 ay may premiere night ito sa Setyembre 20 sa Cinema 5 SM North Edsa sa ganap na 6 p.m. Kasama rin sa pelikula sina Rosanna Roces, Paulo Angeles, Mark Oblea, Roxanne Barcelo, Jao Mapa, Moi Bien, Alora Sasam, Gio Alvarez, Patrick Sugui, Dominic Roque, Nick Parker, Lara Quigaman – Alcaraz, Kira Balinger at Joey Marquez.
-Reggee Bonoan