PUERTO PRINCESA – Dagok sa pamilya ang biglaang pagpanaw ni Rastafari Dalariay – miyembro ng wushu developmental pool -- nang aksidenteng mahulog sa double deck na kinahihigaan.

Ngunit, inbes na mawalan ng loob, ginamit ni Zion ang insidente at pagkawala ng nakatatandang kapatid bilang inspirasyon pata mapataas ang level ng pagiging isang wushu jin.

Matapos ang isang taon, nagbunga ang pagsasanay ng 13- anyos na pambato ng Tugegarao City nang tanghaling kampon sa tatlong event ng wushu sa 2019 Batang Pinoy National Finals nitong Biyernes sa Holy Trinity University dito.

Patuloy naman ang pamamayagpag ni Aldrener Igot ng Cebu City sa archery event sa torneo na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Nadomina ni Zion ang events sa female San Lu Quan, Joan Shu at Qiang Shu.

“Si Kuya ko po ang inspiration ko for winning these gold medals. Alam ko po masaya siyadahil itinuloy ko yung gusto niyang gawin at makamit sa sports,” sambit ni Zion, sumasailalim sa Home Study program ng DepEd.

Ayon sa kanyang ama na si Bobbits, higit na naging pursigido ang pamilya na magpatuloy sa sports matapos ang wala sa panahong pagpanaw ng anak.

“Yung experience namin with what happened to my son, you’d probably expect we’ll be the first people to run away from sports. Dahil we still have another daughter, we want to continue with her career so we opted instead of running away from it and blaming anybody, why not we just form a group and try to be a voice to be heard sa PSC officials and the government to ask for more support, more care and more welfare for our athletes,” pahayag ng nakatatandang Dalariay.

“It is like turning something negative and making it to a positive thing para tulungan ‘yung mga athletes natin para mas lalo pa silang bigyan ng inspirasyon,” aniya.

Sa archery, naihabol ni Igot ang kanyang ikapitong gintong medalya nang pagwagian boys team event, gayung habang isinusulat ang balitang ito ay nakasalang ang 14- anyos na pambato ng Cebu City para sungkutin ang ikawalong ginto buhat sa mixed team event.

Unang pinagharian ni Igot ang mga events na Olympic round, 40m, 50m, Fita, 20m at 30m.

Samantala, patuloy na namamayagpag ang defending champion Baguio City sa overall medal standings sa kanilang unofficial medal count na 48 gold, 36 silver at 51 bronze medals.

Nasa likod ng Baguio City ang Cebu City (27-22-29), Quezon City (22-22-21), Davao City (21-23-22), Pasig City (18-19-16).

Sa ibang resulta, namayagpag sa sepak takraw, sina Rose Ann Alila, Kristine Brigino at Rea Lawan ng Sta. Maria, Bulacan matapos na bumida sa girls regu team event para sa gintong medalya habang sina Rey Pueblo, John Carl Huessa, Franz Matapuego, Fritz Pastrana at Shermon Lee ngMina, Iloilo ang siyang naghari sa boys regu team event.

-Annie Abad