BEIJING – Maaliwalas ang biyahe ng Gilas Pilipinas at walang aberya para sa kanilang pamamalagi sa Foshan, China para sa anim na araw na makibahagi sa FIBA World Cup.

LUMAPAG sa Guangzhou International Airport ang eroplano sakay ang mga miyembro at opisyal ng Gilas Philippines

LUMAPAG sa Guangzhou International Airport ang eroplano sakay ang mga miyembro at opisyal ng Gilas Philippines

Masusukat ang kanilang kahandaan laban sa pamosong Team Italy sa Sabado na mapapanood ng live sa ONE Ph ganap na 7:30 ng gabi.

Dumating ang Nationals, sa pangunguna ni coach Yeng Guiao, sa Guangzhou kahapon ng umaga mula sa Ninoy Aquino International Airport. Naghihintay ang World Cup-themed bus para sa kanilang biyahe sa Foshan.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Nakatakda magsagawa ng ensayo ang Gilas Huwebes ng gabi sa Foshan International Sports and Cultural Center at susundan ng dalawang sessions sa Biyernes kasunod ang shootaround bago ang nakatakdang laro laban sa Italians.

Magkahalong kaba at pananabik ang nadarama ni Guiao bunsod ng katotohanan na kipkip nila ang dalangin ng sambayanan na makalusot sa kanilang laban sa Group D.

“I’m excited and at the same time I’m feeling some of the pressure already,” ayon kay Guiao. “Same time, I’m looking forward to just competing against the best in the world. I think it’s also something we can be proud of.”

Kakailangan ng Gilas na makasabit sa top 2 sa group elimination para makausad sa second round na nakatakda sa Wuhan. Kung mabibigo, malalaglag ang Nationals sa classification round para sa 17th hanggang 32nd places sa World Cup Finals sa Beijing.

Nakasalalay din sa pormang ipamamalas ng iba ang Asian team tulad ng host China, Japan, Iran, Jordan at South Korea ang katayuan ng Gilas na makaamot ng slots sa Tonyo Olympics sa susunod na taon.

“I think China has an advantage in terms of the best finish in Asia because they have a lighter group,” pahayag ni Guiao.

Kasama ang China sa Group A na kinabibilangan din ng Venezuela, Poland at Ivory Coast sa Group A.

“But it is still an objective that is worth pursuing,” aniya.

-Jonas TerRado