NAKA-POST ang letter ng Film Academy of the Philippines kay Mrs. Anne Prado Magadia para ipaalam na ang produced movie nilang Dagsin (Gravity) ang short-listed at possible entry sa International Film Feature Category sa Oscars next year.

Blurred ang ilang parte ng letter at ang malinaw lang na mababasa ay “Dear Mrs. Magadia, we are pleased to inform you that your film ‘Dagsin’ has been short-listed as possible Philippine entry to the International Film Feature Category of the Oscars.”

Ang Director General ng FAP na si Leo Martinez ang nakapirma sa sulat at mapili man o hindi ang pelikula, malaking bagay na ito sa mga producer na sina Atom at Anne Magadia. Nagpasalamat ang mag-asawa sa FAP sa magandang balitang ito.

Nasa cast ng Dagsin sina Marita Zobel, Lotlot de Leon, Benjamin Alves, Janine Gutierrez, Sue Prado, Alex Diaz at Tommy Abuel.

Relasyon at Hiwalayan

'The easiest yes!' Jose Manalo, Gene Maranan engaged na!

Wala pang balita kung alin pang pelikula ang kasama sa pagpipilian ng FAP para i-submit sa Oscars.

-NITZ MIRALLES