NAITALA ni National team mainstay Princess Catindig ang unang dalawang laro para patatagin ang kampanya sa 1st Asian Junior Soft Tennis Championships kahapon sa Colegio San Agustin indoor tennis court sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ginapi ni Catindig, pambato ng San Beda University at kasalukuyang NCAA MVP, si Ana Kawingian ng Indonesia 3-2 (8-6) bago pinatalsik si Rin Sothery ng Cambodia 3-0.

Kakailanganin niyang magapi si Asees Khaurchahay ng India para makasikwat ng quarterfinal berth sa 13-nation competition.

Samantala, naungusan ni Chubby Prince Dan Alano si Nischal Kayastha ng Nepal, 3-2 (7-5) sa boys’ 12-under category.

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

Kasama niya sa koponan sina MJ Luna ng College of St. Benilde, Angela Valdez ng Greenland Academy Cainta, Nadine Tiburcio ng Emilio Aguinaldo College at San Beda’s Virvienica Bejosano.

Naungusan ni Luna si Warakorn Khongraksa ng Thailand 3-1 sa men’s 21-under category; habang dinaig ni Valdez si Jiani Wei ng China 3-0 sa girls’ 15-under category; binokya ni Tiburcio si Rima Ray ng India 3-0 at nanaig si Bejosano kay Enkhzul Batsaikham ng Mongolia 3-0.

Pinangansiwaan nina Asian Soft Tennis Federation (ASTF) vice president at Philippine Soft Tennis Association (PSTA) president Col. Jeff Tamayo, ASTF secretary general Tasuo Kasai, CSA rector Rev. Fr James, CSA at PSTA secretary general Dr. Joven Sepino of University of Perpetual Help ang opening ceremony.