KAHIT matagumpay na sa show business, ilang celebrities pa rin ang gustong bumalik sa pag-aaral.

Arci at Liza

Take a look at Liza Soberano. Mahigit isang buwan nang makabalik sa ‘Pinas mula sa US dahil sa sunud-sunod na surgeries para sa kanyang fractured finger, balik na ulit ang aktres sa pagpu-pursue ng kanyang degree sa Psychology.

Posting a photo of herself, makikitang nakikipag-usap si Liza sa isang school staff, at caption niya rito: “What I like most about being a student is the joy of discovering new things and appreciating what the world has to offer. Glad to be back… ”

Nakatakdang bumida si Liza sa seye katambal ang on-screen at real-life partner niyang si Enrique Gil.

Piolo, ibinuking ang sikreto kung bakit mahal siya ng mga tao

As for Arci Muñoz, mukhang hindi pa sapat para sa aktres ang isang degree.

Nagtapos ang actress-singer with a Theater Arts degree sa University of the Philippines noong 2005. Some 14 years later, Arci is back to school, pero hindi pa malinaw whether she’s pursuing a Master’s Degree or another course.

Sa Instagram ay nag-post siya ng litrato niya na nakaupos sa haarap ng Palma Hall sa UP Diliman.

“Pure Nostalgia!! Wala pa ako picture dito sa building namin no’ng nag-aaral pa ko sa U. P ’05 ‘yun. Wala pa kasi camera fone ko noon. Nokia 8210 pa fone ko. Ngayon balik-eskwela na ‘ko mag-take na ‘ko maraming pics!” post niya.

-Regina Mae Parungao