TUNAY na dumadaloy ang dugong kampeon sa katauhan ni Jaimee Lim.
Ang nagiisang anak ng pamosong basketball at internationalist na si Avelino ‘The Skywalker’ Lim na si Jaimee ay bahagi ng Philippine Team na sasabak sa karate event ng 30th Southeast Asian Games sa Manila sa Nobyembre.
Ayon kay Karate Pilipinas, Inc. president Richard Lim, sasabak ang 22-anyos na si Jaimee sa Kata at Sparring event ng Karate competition. Kasama siya sa opisyal na line-up na isinumite sa Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC).
“She just graduated Suma Cum Laude sa University of the Philippines and she is a very promising athlete,” pahayag Lim.
Kabilang si Lim sa nagwagi ng medalya sa torneo sa Thailand at bahagi ng 15-man delegation na sumailalim sa isang buwang pagsasanay sa Turkey kamakailan.
Inamin ni Jaimee na masayang-masaya ang kanyang ama nang ipaalam ang kanyang pagkakasama sa National Team.
“Kahit hindi pa po masyadong nakakagalaw ang Papa ko (Samboy) ramdam kop o ang kasiyahan sa kanya nang malaman niyang member ako ng Team sa SEA Games, “ sambit ni Jaimee sa kanyang pagbisita sa T’Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).
“Gagawin kop o ang lahat para sa bayan at maibigay ang karangalan sa aming pamilya,” aniya.
Kabilang din sa RP Team sina SEA Games multi-gold medalist Mae Eso Soriano, Mary Anne Montalvo, Miyuki Tacay at si Lim sa kababaihan habang kasama sa kalalakihan sina John Paul Bejar, Norman Montalvo, Bryan Agustin, Prince Alejo, Rexor Tacay, Shariff Atif, Oliver Manalac, Engine Dagohoy at Jayson Macaalay.