FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Balita tungkol kay James Reid na umalis na sa pangangalaga ng Viva Artist Management na kaliwa’t kanan pala ang inquiries niya at hindi na niya kayang tugunan lahat.

James

Ayon sa aming source, maraming TVC shoots si James at hindi na nito alam kung paano hahatiin ang katawan dahil nagulo ang schedules niya.

Hindi lang nabanggit ng aming source kung nakuha ng aktor ang product endorsements thru Viva o dumiretso sa tatay nitong si Mr. Malcolm Reid.

Tsika at Intriga

Herlene kay 'Kuya' ng PBB: 'Pasok mo ko, talakan ko lang mga namamlastik kay Ashley!'

May sitsit sa amin n a nu’ n g na l amang w a l a n a s a V i v a s i J ame s ay maraming tumatawag at nagpapadala ng email sa kanilang mag-ama for inquiries at hindi raw matanggap ng matandang Reid dahil puno ang schedules ng anak.

Dapat ipagpasalamat ni James sa Viva kung anumang mayroon siya ngayon dahil sa loob ng pitong taon ay nabuhay at bumango ang pangalan niya at ang daming projects na naibigay sa kanya.

“Na-burnout kasi sa rami, wala na raw siyang time magpahinga,” giit ng aming source.

A n o n g klaseng pahinga ba ang gus to ni James? Samantalang ‘yung ibang artista mas gusto ang ‘ngarag’ kaysa ‘nganga’ sila.

Dahil ang sitsit sa amin ay, “laging pagod kaya tulog lagi at saka hindi niya kaya ang sunud-sunod na trabaho.”

B i g l a t u l o y naming na a l a l a na mahina ang katawan ng aktor kaya siya nawala noon nang matagal dahil nagbakasyon s a Aus t r a l i a , a t pagbalik ng Pilipinas ay gumanda na ang katawan at aura niya.

Anyway, susunod kaya ang girlfriend niyang si Nadine Lustre sa pag-alis sa Viva? Balita rin kasing may mga tinanggihang project ang aktres.

Bukas ang pahinang ito para sa official statement ng Viva Artist Agency at nina James at Nadine.

Dimples.

-REGGEE BONOAN