July 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Misis na 'di sumama pauwi, halos maputol ang ulo matapos tagain ng ‘sab*g’ na mister!

Misis na 'di sumama pauwi, halos maputol ang ulo matapos tagain ng ‘sab*g’ na mister!
Photo courtesy: Unsplash

Patay ang isang 20-anyos na babae matapos umanong pagsasaksakin at pagtatagain ng kanyang sariling asawa sa Barangay Salaan, Zamboanga City.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si Roselyn Dela Cruz, na nagtamo ng matitinding sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan. Ayon sa pulisya, idineklara siyang dead on arrival dahil sa grabeng tinamong pinsala sa kaniyang leeg kung saan halos maputol na ang kaniyang ulo.

Sa paunang imbestigasyon, lumitaw na nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa matapos umanong tumanggi ang biktima na umuwi kasama ang kaniyang asawa habang nasa bahay ng kaniyang mga magulang.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo, kumuha umano ng itak ang suspek at paulit-ulit na inatake ang kaniyang asawa hanggang sa mapatay niya ito.

Hindi na nakatakas ang suspek at agad na naaresto ng mga rumespondeng pulis. 

Probinsya

SK counselor arestado sa pagsapak sa kanilang Kapitana!

Sa isinagawang imbestigasyon, inamin umano ng lalaki na gumagamit siya ng ilegal na droga, ngunit iginiit niyang matinding selos ang nagtulak sa kanya upang gawin ang krimen.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek habang inihahanda ng pulisya ang kasong isasampa laban sa kanya.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang buong pangyayari upang matukoy ang iba pang detalye na may kaugnayan sa insidente.