NAMASDAN na natin ang boykot ng moviegoers sa local films na pinagbibidahan ng mga artistang sa pananaw nila ay kabaligtaran ang paniniwala nila sa pulitika o malayo sa social awareness ng karamihan.

Kaya nauna na tayo sa magaganap pa lamang sa Hollywood.

Simula kahapon, libu-libo ang nananawagan ng boykot sa Mulan na kasalukuyan pa lamang ginagawa ng Walt Disney Studios.

Sa Marso 2020 pa nakatakdang ipalabas ang live-action remake ng animated na Mulan, pero ngayon pa lang ay nanganganib na itong sumemplang sa takilya.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Bunsod ng panawagang boykot sa social media post nitong nakaraang Miyerkules, ng bida ng pelikula ang Chinese-American actress na si Liu Yifei, na nagpapahayag ng suporta sa Hong Kong police force on Wednesday.

Inaakusahan ang Hong Kong police ng labis na marahas na paggamit ng puwersa sa mapayapang protesta at journalists.

Gamit ang Chinese micro-blogging site na Weibo, ibinahagi ni Liu Yifei ang litratong ipinost ng Chinese Communist newspaper na People’s Daily.

Ang kanyang caption: “I support Hong Kong’s police, you can beat me up now. What a shame for Hong Kong. #Ialsosupporthongkongpolice#.”

Naturalized American citizen ang aktres na kinamumuhian ng pro-democracy netizens. Laman siya ng maraming online editions ng mga diyaryo at ng iba’t ibang news websites na nananawagang iboykot ang kanyang pelikula.

Agad na nag-trending ang hashtag na #BoycottDisney, at marami rin ang nagpahayag na kanselahin ang pagpapalabas ng Mulan.Post ng isang netizen: “To whom it may concern. Do not watch the live-action Mulan movie.

Lead actress Liu Yifei supports the police brutality currently being seen in Hong Kong. She spits in the face of democracy, freedom, and human rights.”

“The lead actress of Disney remake of Mulan, has lent her support to the oppressive Chinese regime in suppressing freedoms; the very same she enjoys & benefits from overseas that Hong kongers fight for at home. Time to #BoycottMulan #FreeHongKong,” ayon naman sa isa pang Twitter user.

Inilabas na ng Disney nitong nakaraang buwan ang unang teaser ng Mulan na matatandaang unang ipinalabas noong 1998. Kasaysayan ito ni Hua Mulan, ang panganay na anak na babae ng matapang at iginagalang na mandirigma.

Nang salakayin ng mga kaaway ang China, nag-utos ang emperor na ang isang anak na lalaki sa bawat pamilya ay dapat sumapi sa Imperial Army. Lingid sa kaalaman ng amang maysakit, sumali sa army si Mulan.

-DINDO M. BALARES