CONSTANT change. Ito ang nangyayari sa lahat, lalo na sa panahon ng social media. Ang hinahangaan ngayon, sa isang pagkakamali lamang, kinamumuhian na maya-maya.
Mas malupit ngayon ang buhay sa celebrities, dahil kung dati’y matataray na entertainment/celebrity writers lang ang kritiko, ngayon pati publiko ay nabigyan na rin ng powerful platform para maipahayag ang reaksiyon sa performance ng pinapanood nila.
Malinaw na halimbawa ang netizen na nanood sa special show ng ASAP sa U.S.
Hindi nito pinalampas ang below par na performance ni Regine Velasquez.Naririto ang post ni @raigabs10: “@reginevalcasid, I watched your prod with the divas.
You sang On The Wings of Love and you did not hit the right note. For thousand of Filipinos who paid their tickets coming from their hard-earned money yet you gave them that performance.
Nakakahiya ka! Finale ka pa? Di mo naman maabot. Pweeeh!!! ‘Wag ka na lang kumanta!!!”Ang maganda, in-acknowledge ni Regine positively ang reklamo.
“Wow natawa lang ako,” sagot ng Asia’s Songbird. “I guess kasalanan ko rin naman kasi kahit madaling kanta pinapahirap ko. So pag hindi ko binirit disappointed na ang ibang mas mataas pa sa boses ko ang expectations. Alam mo iba-iba ang bawat pagkanta minsan depende sa kundisyon ng katawan at boses ng isang mang-aawit ang kalalabasan ng kanyang performance.
“Pero tama ka NO excuses pinaghirapan n’yo ang perang ipinambayad n’yo para manood so you guys deserve only the best.
At alam naming lahat ‘yan kaya naman kahit may sakit, walang boses, nakipag-break sa jowa namatayan ng pet, at kung anu-ano pa man, we always give it our best 101 percent.
“But thank you for letting me know that I was so bad, I will do my best next time. Kasi lagi namang may next time laging may next time to redeem myself. ‘Yan naman ang maganda sa life, laging may next time. GOD Bless.”
Kailangan nang mag-adjust si Regine. Hindi na siya katulad nang dati, nagbago na ang timbre ng boses niya, at unlike noong kabataan niya ay hindi na sumusunod ang kanyang vocal chords sa matataas na notang naiisip niya.
Huwag siyang mag-alala, dahil nag-iba na rin naman ang panlasa ng Pinoy music lovers. Hindi na uso ang tili-tili na parang pinupunit na yero.
Katunayan si Moira dela Torre na pabulong-bulong lang pero sikat na sikat.
-DINDO M. BALARES