MAGING sa sports, hindi pahuhuli sa akiyon ang kababaihan.

Nakatuon ang usapin sa hanay ni Eba sa pagdalo sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS), nina Muaythai Association of the Philippines secretary-general Pearl Managuelod at darts champion Lovely Mae Orbeta para sa ika-35 edisyon ng “Usapang Sports”sa Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Inaasahang ilalahad ni Managuelod ang mga paghahanda ng MAP para sa nalalapit na SEA Games hosting sa Nobyembre. Nagtapos si Managuelod sa kursong sports psychology sa University of Ottawa-Canada.

Tinaguriang “Bebang” sa local at international darts circuit, magbibigay naman ng ‘update’ si Orbeta para sa kanyang pagsabak sa Southeast Asia Tour 2019 sa Sabah, Malaysia.

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

Kasalukuyang Ranked No.1 ang 14-anyos student ng Lakandula High School sa Tondo. Winalis ni Orbeta, itinataguyod ng Amber’s Best Restaurant, ang unang dalawang leg ng SEA Tour nitong Abril at Hulyo sa Malaysia.

Hiniling ni TOPS president Ed Andaya of People’s Tonight sa mga miyebro at opisyal na makiisa sa programa na mapapanood sa Facebook live via Glitter Livestream.

Itinataguyod ang ‘Usapang Sports’ sa TOPS ng Philippine Sports Commission, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), NPC. Community Basketball Association (CBA)