TRENDING ang mini-concert nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa LRT 1 Roosevelt Station nitong nakaraang Sabado.

jennylyn at dennis

Caption ni Jennylyn, “Hi mga bessie! For the first time, Dennis and I are going to take on a challenge from one of our fans. Paano kaya namin hinarap ang hamon na mag disguise bilang PWD singers sa LRT1 at kumanta para sa dumaraang mga pasahero?

“Find out in this video! Again, maraming salamat kina Ate Vivian at Kuya Jericho sa pagpapahiram nila sa amin ng kanilang puwesto at oras sa pagkanta. Maraming salamat din sa LRMC management sa kanilang pagtulong sa amin para maging matagumpay ang episode na ito!”

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Nagpanggap na persons with disability (PWD) ang dalawa, naka shades at baseball cap ang aktor with matching bigote na hawig ng kay John Lloyd Cruz at si Jennylyn naman ay naka-takip ng itim na tela ang mukha kaya walang nakakilala sa kanila.

May kasama naman silang may bitbit na donation box.

Agaw-pansin ang pagbabasa ni Dennis ng Ipad gayung ‘bulag’ ang drama niya kaya natatawa ang mga tao.

Bumenta kaagad ang unang awitin nilang Sinta ng Aegis dahil marami na ang tao na nakapalibot sa kanila. Sinundan pa nila ang kanta ng tatlo hanggang sa bini-video na sila at nagtataka ang nag-upload dahil trending kaagad ito dahil hindi niya alam na ini-share ng supporters nina Jen at Dennis.

Sa huli ay kinausap na rin ni Jen ang mga manonood, “gusto n’yo pa ba ng isa pa (kanta)?” sabay alis ng nakatakip na tela sa ulo, “ang init.” Tinanggal na rin ni Dennis ang bigote niya at ipinakilala si Jennylyn at ang sarili.

Ang huling kinanta nila ay ang After All ni Peter Cetera at kanya-kanyang kuha na ng litrato ang mga nanonood.

Anyway, sobrang pinuri naman ng dalawa ang mga taong tumulong sa kanila sa nasabing LRT station dahil maayos pa rin ang daloy ng mga taong dumaraan kaya walang trapik.

Naku, kung sa EDSA ginawa nina Jennylyn at Dennis ang mini-concert nila, tiyak nasita na sila ni Mr. Bong Nebrida, supervising operation officer ng MMDA.

Abangan kung ano naman ang susunod na gimik nina Jen at Dennis sa YouTube channel ng aktres.

-REGGEE BONOAN