ANG (K)Ampon ay entry ng Quantum Films sa 2019 Metro Manila Film Festival na ididirek ni King Palisoc.

Matatandaang tumanggi na noong una si Derek sa pelikula dahil hindi kakayanin ng schedule niya, pero dahil nakiusap si Quantum producer Atty. Joji Alonso ay ginawan niya ito ng paraan. Pero habang inaayos ang schedule ng aktor ay napagtantong hindi talaga kakayanin dahil nine days lang ang kaya nitong ibigay na shooting days gayung aabutin ito ng 26 days base na rin sa panayam namin kamakailan sa producer.

Nag-usap na sina Derek at Kris tungkol dito at nagkapaliwanagan na rin.

Post ni Kris, “Glad we had that long talk and came to an understanding about our scheduling conflicts because you’re right, people don’t throw away almost 15 years of friendship because of a movie. My love to Tita Medy. And looking forward to seeing your whole family soon.”

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

At nag-post ang aktor sa IG ni Kris ng, “enjoy your happy place” habang nasa Japan silang mag-iina.

Anyway, ang nakapukaw ng atensyon namin ay ang sinabi ni Kris kay Derek na nagtuturo kay Andrea Torres na leading lady nito sa serye sa GMA.

Post ni Kris kay Derek, “Please tell @andreatorres to not text me with ‘po’ in her message? I’m not going to be her mother-in-law.”

Bakit mother-in-law? May relasyon na ba sina Derek at Andrea? Ano ang koneksyon ni Kris sa leading lady ng aktor?

Tsika naman sa amin ng aming source ay ipinakilala ni Derek si Andrea kay Kris at magalang naman daw ang dalaga kaya okay na silang dalawa.

May nangungulit sa amin kung nabanggit na ba ni Derek kay Kris kung ano talaga ang real status nila ni Andrea.

As of this writing ay hindi pa namin nakakausap si Kris dahil busy siya at kung sakaling may nasabi na nga si Derek kay Kris ay sigurado kaming hindi naman ito isa-shout out ng Queen of Social Media unless may permiso siya ng aktor.

Sa kabilang banda ay natuwa si Kris na si Gabby na ang leading man niya sa (K)Ampon. Hindi pa siya nakakapag-look test with Gabby dahil nasa Japan pa at sa susunod na linggo pa ang balik sa Pilipinas.

-Reggee Bonoan