KAKAIBA raw ang naging pagbubuntis ng Kapuso actress na si Kylie Padilla sa kanyang pangalawang baby.

Buong akala raw niya ay babae ang kanyang dinadala dahil nakaranas siya ng tinatawag na Pre-Natal Depression at madalas inaatake ng anxiety sa first trimester.

First time niya itong na-encounter dahil masayahin siya noong ipinagbuntis niya si Alas.

Ibinahagi rin ni Kylie kung paano niya nalampasan ang pinagdaanang pagsubok.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

“Nag-exercise na lang ako, ‘pag may time ako, ‘pag nasa mood ako, nagwowork-out ako. Nilalabas ko in other ways, I write, may project ako for myself, binubuhos ko do’n ‘yung passion ko.

“I painted for a while, nilinis ko ‘yung buong bahay, gusto ko palaging mabango.”

Dagdag pa niya, kasama sa mga kinahihiligan niya ngayong buntis siya ang pagkain ng chicken.

Five months na ang dinadala ni Kylie at sobrang excited na siya sa paglabas ng kanyang second baby boy.

Congratulations, Kapuso!

-Mercy Lejarde