BAWAL ang plastik sa Batang Pinoy.
Ito ang ipapatupad ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pagsasagawa ng Batang Pinoy National Finals sa Puerto Princesa, Palawan sa Agosto 25-31.
Ayon kay PSC Deputy Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr., hindi lamang ang paglinang ng talento sa pamamagitan ng paghubog sa talento ng atleta ang siyang pakay ng ahensiya, kundi ang imulat ang mga kabataan na magpahalaga sa kalikasan.
“I think it’s about time na maipakilala ang recyclable tumblers at iwasan na ang paggamit ng mga plastic bottles,” pahayag ni Iroy. “We should promote cleanliness hindi ang dito sa Pilipinas kundi Worldwide. We should also start using non-plastic material para mai-save ‘yung environment natin, lalo na ang karagatan,” aniya.
Sinabi rin ni Iroy na ang mga tumblers lamang ang papayagan na bitbitin ng mga attendees, coaches at lalo na ng mga atleta sa loob ng playing venues, at hindi na ang nakaugalian na mga bottled water.
Maglalagay umano ng mga water refilling station sa kabuuan ng venue upang may makuhaan ng tubig ang lahat ng taong nasa loob ng venues lalo na ang mga atleta na ang pangunahin kailangan sa pagsabak sa kompetisyon ay tubig.
Bukod dito, ipakikilala na din ng PSC ang Buko Juice bilang isa sa mga pampatid uhaw ng mga atleta pagdating sa mga katulad ng kompetisyon.
“We are now in coordination with the Buko Juice suppliers para ‘yun na ang ang introdice natin as one sources of hydration. But of course they can bring their own water tumbler with them,” aniya.
Kabuuang 4597 atleta ang inaasahang dadayo sa lalawigan ng Puerto Princesa upara sa nasabing national finals na lalahok sa 20 sports discipline.
Nakamit ng Baguio City ang Batang Pinoy National Finals overall title noong taong 2018, kung saan mismong sila din ang naging punong-abala sa kasagsagan ng bagyong Ompong.
-Annie Abad