KINASUSUKLAMAN si Winwyn Marquez, bilang si Portia, ng avid viewers of Kapuso afternoon prime seryeng Dahil Sa Pag-Ibig dahil sa pagiging home wrecker at pang-aagaw kay Eldon (Benjamin Alves) kay Mariel (Sanya Lopez).

Sanya at Winwyn

Palakpak to the max ang viewers na panig kay Sanya nang hindi sinasadyang nagkita at nagkaroon ng confrontation sa rest room sina Sanya at Winwyn na nauwi sa violent catfight.

‘Di naman pinalagpas ng supporters ni Sanya na makapag-post sa social media para kalabanin din si Winwyn. May isang netizen pa nga ang nag-psot ng, “grabe itong si Winwyn, siya na nga ang kabit siya pa ang mas matapang. Nakakagigil! Sarap niyang sampalin at sabunutan!”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Nakaabot sa aktres ang panggagalaiti ng netizen at sinagot niya ito ng, “well, I just hope they realize that I am merely playing a role. Sinusunod ko lang po ang nakasulat sa script. Pero ‘yung mga sampalan, sakalan at sabunutan namin ni Sanya sa eksena, totoo lahat ‘yun. Nag-usap naman kami before the take na gawin na namin itong as realistic as possible para hindi na ipa-take two pa sa amin ni Direk Ricky Davao.

“I’m glad lumabas na very effective naman sa viewers. Hayan nga at lalong tumaas ang rating namin at extended pa ang show namin.”

Oo nga naman. Mas maraming viewers ang kampi kay Sanya dahil mas maraming misis ang nakaka-relate dito, lalo na ‘yung mga asawa nilang may kabit na hindi nila ma-take at handa nilang ipaglaban ang kanilang karapatan bilang tunay na asawa.

In fairness, naging trending at viral sa social media ang ginawang sunud-sunod na sampal ni Sanya kay Benjamin nang mahuli niya itong nangangaliwa.

Naging trending at viral din ang naging confrontation at catfight scene nina Winwyn at Sanya, sa true lang, kaya ang saya ng buong cast ng DSP dahil extended ang naturang GMA afternoon primetime.

Congratulations sa lahat ng bumubuo ng Dahil Sa Pag-Ibig. Ang wish pa ng halos karamihan sa viewers nito ay magkaroon uli ng sampalan, sabunutan at kagatan itong sina Winwyn at Sanya.

-MERCY LEJARDE