INAPRUBAHAN ng NCAA Management Committee ang pagkakaloob ng donasyong nagkakahalaga ng P100,000 para sa lalawigan ng Batanes na sinalanta ng magnitude 5.9 na lindol kamakailan.
Ayon kay NCAA MANCOM chairman Peter Cayco, alinsunod ito sa adbokasiya ng liga at nakatakda nilang ibigay ang tulong pinansiyal sa mga opisyales ng lalawigan sa pangunguna ni Gov. Marilou Cayco sa darating na Sabado sa halftime break ng mahigpit na magkaribal na Letran College at San Beda University sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
“What we are doing is part of the NCAA advocacy, and the oldest collegiate tournament in the country, as an institution, has helped our fellow Filipinos in need, especially those affected by calamities,” pahayag ni Cayco.
“The other member schools have already done their part, and this time, as one family, the NCAA is extending its assistance to help Batanes,” aniya.
Si Letran ManCom representative Fr. Vic Calvo ang nagmungkahi ng pagbibigay ng donasyon sa mga biktima ng lindol sa nakaraang pagpupulong nila noong Huwebes na pinangunahan ni JRU athletic director Paul Supan kasabay ng NCAA ‘On Tour’ na idinaos sa Jose Rizal University.
Maraming kabahayan at mga itinuturing na mga historical structures kabilang na ang makasaysayang Santa Maria de Mayan Church sa bayan ng Itbayat ang naapektuhan ng lindol.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng suporta sa mga biktima ng kalamidad gaya ng Yolanda at Ondoy gayundin ang nangyaring giyera sa Marawi.Nagbigay din sila ng tulong sa basketball legend na si dating Letran Knight na si Samboy Lim.
-Marivic Awitan
Standings W L
San Beda 4 0
St. Benilde 4 0
Letran 5 1
Lyceum 4 1
Perpetual Help 2 3
San Sebastian 2 3
JRU 2 3
Arellano 1 4
EAC 1 4
Mapua 0 5
Mga Laro Bukas
(Perpetual Help Gym, Las Pinas City)
1:00 p.m. -- Perpetual Help vs Lyceum (Jrs)
4:00 p.m. -- Perpetual Help vs Lyceum (Srs)