ISA si Michelle Dee sa tatlong Kapuso actresses na official candidate sa Miss World 2019. Ang dalawa pa ay sina Isabelle de Leon at Kelly Day.

Michelle

Ibihagi ni Michelle ang magandang balita sa kanyang social media account: “I’m officially candidate #21 for #MWP2019. Today marks Day 1

of my @msworldphil journey. I just wanted to thank everyone for your unending support. It truly means the world to me. I hope I make all of you proud.”

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Kasama si Michelle sa cast ng Love You Two at sa mediacon nito ay nabanggit niyang sasali siya sa beauty pagent dahil dream din niyang maging beauty queen gaya ng mom niyang si Melanie Marquez. Hindi pa lang niya matiyak noon kung sa Miss World o sa Bb. Pilipinas siya sasali.

Suportado ni Melanie ang pagsali ni Michelle sa Miss World at sabi nito, baka malagpasan pa siya ng kanyang anak. Si Melanie ay naging Miss International noong 1979.

Si Kelly naman ay cast ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Dahil sa Pag-ibig bilang si Allison na kontrabida ni Sanya Lopez. She’s candidate number 24.

Post ni Kelly after ng presentation ng candidates: “Felt like a Barbie doll last night. What an experience! So, so grateful. Thank you, #MWP2019.”

Si Isabelle naman si candidate #1 at post niya: “Hi guys! This is it! I ask you to join me on my journey as I stake my claim to the @MsWorldPhil 2019 crown and prove myself as a truly worthy and deserving ‘Beauty with a Purpose’.

Walang regular show sa GMA-7 si Isabelle, pero naggi-guest siya sa mga show ng network.

-Nitz Miralles