Kung magaling na ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby ay ngayong araw, Martes sila darating ng Pilipinas galing Japan.

Dapat sana nitong Linggo ay nakabalik na ng Pilipinas ang dalawa galing ng Japan, pero dahil nagkasakit si Bimb ay nagpaiwan silang mag-ina at naunang umuwi ang panganay na si Joshua kasama sina Erich Gonzales, RB Changco at Bincai Luntayao.

Caption ni Kris sa mga litratong maysakit si Bimby na pinost niya sa IG, “No matter that my bunso is almost 5’11, and he’s 185 lbs, pag nilagnat he’s still my baby. My ate was worried baka mahawa ako (bawal talaga sa autoimmune condition ko to get a fever).

“BUT dumedma, bimb’s fever was 39.6 nu’ng madaling araw. The whole day hovering sa 38.4 to 39 tonight- so super bantay ako. When he was shivering from his fever, I doubled his blankets and just embraced him (I’m about 80 lbs less than him) but I believe iba ang alagang mama.“We are being responsible, I know dapat 72 hours na no fever bago mag airplane, we were supposed to take the midnight flight, meaning airport by 10 PM on the 5th. Kuya Josh will fly home w/ RB (Chanco), Erich (Gonzales) & Bincai (Luntayao). I will extend until Bimb’s okay.“Share ko lang how compassionate Bimb is, hindi s’ya makakain, no gana, threw up when he tried & having trouble getting up to walk. He said, “mama now I know how you feel when you’re weak and I love you very much because you go through every week but you still try.” #love”

Teleserye

Lena, babalik daw bilang ghost sa 'Batang Quiapo?'

Mayroon din siyang hearing pero ipinaubaya na niya ito sa Cornerstone management na si Jeff Vadillo.

Sabi ni Kris, “I had some work commitments & a court appearance BUT my bunso’s health comes first. Communicated na with @jeffvadillo to explain about work, as well as Divina Law for one RTC because this wasn’t a situation any of us wanted.”

May nakatakdang look test/shooting si Kris sa Huwebes, Agosto 8 para sa horror movie na (K)Ampon na entry ng Quantum Films sa 2019 Metro Manila Film Festival na ididirek ni King Palisoc.

Nang maka-tsikahan namin ang producer ng pelikula na si Atty. Joji Alonso ay umaasa siyang makakarating si Kris sa Huwebes para masimulan na siyang kunan.

Nabanggit din ng abogada na suntok sa buwan ang alok niya kay Kris na magbida sa pelikula.

“Wala lang pinadala ko sa kanya ang script, sabi ko basahin lang niya. I emailed it kasi nasa Singapore siya that time. Tapos may screen shot siyang eksena, sabi niya, ‘nakuha mo na ako with this scene.” Kaswal na sabi ng abogada na direktor din.

Kung tumanggi si Kris sa offer, “I wouldn’t have proceeded it, hindi ko itutuloy. Ang horror kasi kailangan kung baga may kanya-kanyang forte. May mga artista namang lahat magaling pero hindi mo naman mahiram kasi lahat exclusive sila at saka kay Kris ko lang nakikitang bagay ito.”

At mukhang para kay Kris talaga ang pelikula dahil sa titulo palang na may K ay alam na.

Samantala, nagsimula nang mag-shoot ng mga eksenang wala si Kris para mapadali sila at dahil bata ang bida kaya aabutin sila ng 26 shooting days dahil limitado ang oras ng mga menor de edad base sa DoLE.

-Reggee Bonoan