WALANG dulot na mabuti ang anumang uri ng bisyo. Alam ito ni Baron Geisler na halos mawasak ang kinabukasan nang malulong sa bisyo. Ipinasok sa rehabilation center ang mahusay na aktor at ngayon ay tinatahak na niya ang daan ng pagbabago.

Baron at Jamie

Nang manirahan sa Cebu ay nakilala ni Baron si Jamie Evangelista, isang psychologist hanggang sa magkakilanlanan ang dalawa at mauwi ang relasyon sa engagement.

Lahad ni Baron nang mag-guest sa Kapamilya talk show na Magandang Buhay, “one thing about Jamie is she never give up on me. She is God-sent at malaking tulong sa mabilis na pagbangon. I love her and I want to spend the rest of my life with her.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Career wise, starting all over again si Baron. At lubos niyang pinasasalamatan si Coco Martin nang ibilang siya ng huli sa cast ng FPJ’s Ang Probinsiyano. Kinikilala ni Coco ang husay ni Baron bilang aktor at naniniwala itong everyone deserves a second chance.

-REMY UMEREZ