WALANG maibigay na dahilan sa amin ang taga-Dreamscape Entertainment nang tanungin namin kung totoong umayaw na si Erich Gonzales sa upcoming seryeng Love Thy Woman na pagbibidahan din nina Xian Lim at Kim Chiu.

“Wala akong alam, honest, nagulat ako nabasa ko lang din,” sabi ng aming kausap na hindi na namin binanggit ang pangalan.

Nitong Martes ng hapon ay nakita namin ang ipinost na larawan ng ng Dreamscape sa Instagram (IG), kung saan magkakasama sina Yam Concepcion at manager nitong si Veronique del Rosario-Corpus at mga executive ng nasabing unit ng ABS-CBN.

Ang caption ng litrato, “Yam Concepcion joins the cast of #LoveThyWoman! Thank you, @yamconcepcion & Ms. @veroniquecorpus. Welcome to the Love Thy Woman family!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi binanggit kung si Yam na ang kapalit ni Erich sa Love Thy Woman at tinext din namin ang taga-Dreamscape Entertainment kung ang Viva talent nga ang pumalit pero hindi kami sinagot.

Nagtanong kami sa kampo ni Yam at bingo, ang dalaga nga ang kapalit, “yes, kapalit ni Erich sa ‘Love Thy Woman’.”

Nabanggit na kontrabida ulit ang role ni Yam tulad sa huli niyang teleseryeng Halik bilang si Jade at napangiti lang ang kausap namin.

Okay lang naman sa dalaga ang role as long as may trabaho siya kaysa tengga.

Base sa mga nabasa naming dahilan kung bakit umalis si Erich ay dahil ang pinitch sa kanyang karakter ay nabago at naging kontrabida na siya kina Xian at Kim.

Hmm, alangan namang si Kim ang maging kontrabida kina Xian at Erich? Parang hindi rin naman kapani-paniwala.

Anyway, may balitang ikalawa na ang Love Thy Woman sa mga proyektong inalok kay Erich, nauna ang The Killer Bride bago napunta kay Maja Salvador.

-Reggee Bonoan