IPINOST ni Heart Evangelista ang birthday celebration ng daddy niyang si Rey Ongpauco nitong isang araw. Sa isang picture, sila lamang ng ama ang magkasama, sa ibang mga larawan ay kasama naman ang ibang kapatid ni Heart, her husband Sorsogon Governor Chiz Escudero at ang kambal nilang anak at iba pang apo ng daddy niya.

Heart & Dad Rey Ongpaungco

Post ni @iamhearte: “Celebrating my Dad’s birthday today but in all honesty, he deserves a celebration everyday! He has brought so much love and light into the world and in our lives, so I feel so blessed to have a father like him.

“Dad, Happy Birthday. You went through so much this year and came out so, so strong. I couldn’t be more proud of you. Here’s to more years of health and happiness. I love you! Time spent with you are ones I treasure the most. @rey_ongpauco.”

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

Maraming bumati sa Daddy Rey ni Heart, pero may isang netizen ang nagtanong, si @ka.ra7016: @iamhearte hindi ko po nakikita ang Mommy mo sa family n’yo po. Nasaan po siya?

Sinagot ni Heart ang tanong ng fan: “@ka.ra7016 no problem. They are happier this way and we support that.”

Noon pa naman nababalita na separated na ang parents niya, pero ngayon lamang isinapubliko ni Heart ang tunay na estado ng relasyon ng mga magulang niya. Napapansin kasi dati ng netizens na laging may photo si Heart kasama ang mommy at daddy niya.

Sa ngayon, ang pinagkakaabalahan ni Heart ay ang pag-uwi niya sa Sorsogon para makasama ang governor-husband niya, at ang pagiging member ng StarStruck Council kasama sina Ms. Cherie Gil at Jose Manalo. Napapanood ang StarStruck tuwing Sabado, pagkatapos ng Daddy’s Girl at tuwing Linggo, pagkatapos ng, Daig Kayo ng Lola Ko sa GMA 7.

-NORA V. CALDERON