May 22, 2026

Home SHOWBIZ

'Papasok ka ba?' Alaska ni Vice Ganda kay Anne Curtis, kinonek sa naganap sa Senado

'Papasok ka ba?' Alaska ni Vice Ganda kay Anne Curtis, kinonek sa naganap sa Senado
Photo Courtesy: Screenshot from Vice Ganda, Anne Curtis (FB)

Napagdiskitahan ni Unkabogable Star Vice Ganda ang madalas na pagliban ng kapuwa niya “It’s Showtime” host na si Anne Curtis.

Sa latest episode ng “It’s Showtime” nitong Martes, Mayo 12, sinabi ni Vice na tinanong umano niya si Anne kung papasok ang huli sa kanilang show.

"Sabi ko kay Anne Curtis, 'Papasok ka ba?' Sabi niya, 'Papasok ako! No'ng dumating ako diyan, tatanungin niya kung bakit nando'n ako. Hindi na lang ako papasok!'" tsika ni Vice.

Sey tuloy ni Jhong Hilario, "Parang narinig ko na 'yan, a."

Pero ayon kay Vice, papasok naman daw talaga si Anne. Nakita pa nga raw  niya sa ABS-CBN ngunit umuwi rin kalaunan.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“Tumatakbo kasi siya. Nadapa sa hagdanan. So, bumalik. Anne, get well soon,” dugtong pa ng Unkabogable Star.

Matatandaang usap-usapan noong Lunes, Mayo 11, ang pagsipot ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado matapos nitong lumiban simula noong Nobyembre 2025 dahil napabalitang may arrest warrant na umanong naghihintay laban sa kaniya.

Sa pagsipot ni Dela Rosa, hindi siya nakaligtas sa tanong kung anong ginagawa niya sa Senado matapos niyang hindi magparamdam nang ilang buwan. 

“I’m a senator of this Republic,” buwelta ng senador. ”Kung hindi ako pumapasok hinahanap n’yo ako, ngayong pumapasok ako tatanungin n’yo ako bakit ako pumapasok?”

Bukod dito, pinulutan din sa social media ang CCTV footage ng pakiipaghabulan ng mga opisyal kay Dela Rosa nang maispatan siya sa Senado.

Kaugnay na Balita: Palit-liderato sa Senado, walang kinalaman sa impeachment—Cayetano