BILANG isang mapagmahal na ina sa kanyang mga anak, natural lang na rumesbak si Mommy Pinty sa basher ng bunso niyang anak na si Alex Gonzaga nang mag-post ang basher na “pokpok at palingkera” si Alex.

Mommy Pinty at Aex

“Haaaa sino ka!! Kawawa ka naman will pray for you baka sa inggit ano gawin mo sa sarili mo. Be happy girl,” sagot ni Mommy Pinty sa basher.

“Huwag nyong ginagalit si #Tipints,” naman ang reaction ni Alex in defense of her mom.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

May mga nag-comment pa na wagas daw kung umepal si Mommy Pinty sa pagtatangol sa anak. Susme naman, sinabi ngang kahit sinong ina ang tumawag na pokpok at palingkera sa kanyang anak ay for sure na reresbak at reresbak ang nanay in defense of her daughter, sa true lang.

Buti nga sa social media lang nangyayari ang mga bashing na ‘yan, eh, kung harapan na, aber? Eh, malamang sa hindi, pisikal na ang magiging labanan, as in basagan na ng pula at malamang pa nga ay saniban si Mommy Pinty ng tapang ni Gabriela Silang, ‘yun na!

May isa pang basher ang nagsabi kay Alex ng, “Jejemon ka. I saw you in SF once. Sarap sampalin sa Union Square. Ang kajejemonan, nadala pa sa America. Feeling ko ‘di ka napalaki nang maayos.”

Marami naman ang nagtanggol kay Alex G.

Dinepensahan naman ng mga supporters niya si Alex.

“Triggered ako and I will not let this pass! Netizens, here’s the e-mail address of this horrible person. You have one job to do, netizens! Our girl doesn’t deserve any of this hate! Let the haters rot in hell. Go! Bish, don’t us!”

“Hindi ba’t siya ang hindi napalaki nang maayos? Sana, nakikita ng magulang mo ang mga sinasabi mo para malaman nila na sila ‘yung hindi nakapagpalaki ng isang mabuting tao. Basura ka.”

Oh, well. Iba na talaga ang panahon ngayon. May celebs bashers at may haters for bashers na rin. Ewan kulang kung kasalanan ‘yan ng socmed.

-MERCY LEJARDE