Thankful pero hindi makapaniwala si Kapuso Breakout Star Kyline Alcantara nang malaman niyang nominated siya sa darating na 32ndAwit Awards.

Kyline

Nominated si Kyline sa kategoryang Music Video of the Year para sa awitin niyang Fake Love mula sa kanyang self-titled album sa GMA Records.

“I can’t believe po talaga, unexpected ang nomination kong iyon,” sabi ni Kyline. “Iyon po lamang ma-nominate kasama ng four other musical artist, ang laking bagay na po ito sa akin. Isang karangalang maihanay ang pangalan ko sa kanila. Thank you, Awit Awards!”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ang apat pang artist na makakatunggali ni Kyline ay sina Maris Racal (Sugarol), JBK (Maibalik), Moira dela Torre (Tagpuan) at IV of Spades (Take That Man).

Patuloy pa ring napapanood si Kyline tuwing Sabado sa music tambayan ng GMA, ang Studio 7 sa bagong oras nito na 10:00 ng gabi pagkatapos ng Magpaikailanman, gayundin sa Sunday PinaSaya at Inside StarStruck 7, Mondays to Fridays tuwing 6:00 ng gabi.

-NORA V. CALDERON