THANKFUL at hindi malilimutan ni comedienne-actress Lovely Abella ang pagkakasama niya sa cast ng pinag-uusapang pelikula na Hello, Love, Goodbye na first movie team-up nina Kathryn Bernardo at Alden Richards for Star Cinema.

Lovely

“Overwhelmed po ako nang makapasa ako ng audition kay Direk Cathy Garcia-Molina,” kuwento ni Lovely sa special solo interview na sopresa sa kanya ng manager niyang si Rams David at ng Triple Amanagement niya.

“Pero that time po na nakapasa ako, may afternoon prime drama series ako sa GMANetwork, ang ‘Dragon Lady’, at iyon ang pinoproblema ko, ‘paano kung magsisimula na kaming mag-shooting sa Hong Kong ng movie?’ Ipinagdasal ko po iyon na makuha ko pa rin ang role sa movie. Sinagot po ni Lord ang dasal ko, dahil iyong character ko sa ‘Dragon Lady’, nagkaroon ng changes at natanggal iyong role ko. Kaya labis-labis po ang pasasalamat ko.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Pero hindi pa rin ako makapaniwala na nasa Hong Kong na ako para mag-shooting, hanggang hindi ko po nakita si Direk Cathy sa Hong Kong, hindi pa rin ako mapalagay. At sa mga sumunod pong araw, the sixteen days akong nag-shooting sa Hong Kong, hindi ko iyon makakalimutan. Hindi ko rin malilimutan ang magandang treatment sa amin ng production at ang pagiging generous nina Kath at Alden sa amin.

“Isa pang ipinagpasalamat ko ang nakatagpo ako ng mga bagong kaibigan, sa mga nakasama ko sa ‘Hello, Love, Goodbye’ tulad po nina Maymay Entrata, Joross Gamboa, Jeff Tam at iba pang Kapamilya stars. Ngayon ko po lamang sila nakasama. Salamat po Direk Cathy Garcia-Molina, Ms. Carmi Raymundo, Inang Olive Lamasan. Salamat po, salamat!”

Sa July 31 na ang grand opening ng Hello, Love, Goodbye in cinemas nationwide.

-NORA V. CALDERON