Standings W L
Letran 4 1
San Beda 3 0
CSB 2 0
LPU 3 1
SSC-R 2 1
JRU 2 3
Perpetual 1 3
EAC 1 3
Mapua 0 3
Arellano 0 3
Laro Ngayon
Mapua Gym
4 n.h. -- Mapua vs CSB (M)
MAPANATILING malinis ang imahe at makasalo ang defending champion San Beda University sa liderato ang tatangkain ng College of St.Benilde sa pagdayo sa Mapua University gym ngayon sa Intramuros para sa ikalawang laro sa NCAA on Tour ngayong Season 95 ng NCAA Men’s Basketball Tournament.
Ganap na 4:00 ng hapon ang salpukan ng Blazers at Cardinals na nasa magkabilang dulo ng standings, ang una sa itaas taglay ang markang 2-0, panalo-talo kasunod ng namumunong Red Lions, (3-0) at ang huli sa buntot matapos manatiling winless pagkaraan ng tatlong outings kasalo ng season host Arellano University.
Magkukumahog naman ang Cardinals na makaahon mula sa kinasadlakang tatlong dikit na kabiguan sa tulong ng kanilang home crowd.
Huling natalo ang Cardinals sa Lyceum, 71-79, nitong Hulyo 19 sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.
Mauuna rito, magtutuos ang kani-kanilang juniors squads ganap na 2:00 ng hapon.
-Marivic Awitan